Balarila
Ang balarila[1] (mula sa bala + (ng) + dila) ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: pakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos[2] upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita.
Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga kaalaman. Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.[3]
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Grammar, balarila - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ F. Goller. "Ang Pagwawasto ng Pangungusap", SentenceStack.com
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Gramatika, grammar, balarila". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.