Balarila ng Wikang Pambansa
Ang Balarila ng Wikang Pambansa ay isang aklat hinggil sa wastong pagsasalita at pagsusulat ng wikang Tagalog. Isinulat ito ni Lope K. Santos at inilathala ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1939 (Santiago & Tiangco 1997; 2003, p.iii). Ang Paunang Salita nito ay isinulat ni Jaime C. de Veyra na noon ay Direktor ng Surian.
May-akda | Lope K. Santos |
---|---|
Bansa | Pilipinas |
Wika | Tagalog |
Tagapaglathala | Surian ng Wikang Pambansa |
Petsa ng paglathala | 1939 |
Ang Balarila ay isinulat para sa mga guro na nagtuturo ng wikang Tagalog (Aspillera 1972, p. 89). Nahahati ang mga paksa nito sa Palátitikan, Palábigkasan, Paláugnayan, at Palásurian. Sa apat na paksang ito tanging ang Palásurian ang nabigyan ng masaklaw na paglalahad (Mañalac et. al. 1944, p. 4).
Ang palatitikang itinuturo nito ay ang AbaKaDa na binubuo ng dalawampung titik (Mañalac et. al., p. 6).
Hindi ito ang kaunaunahang isinulat na balarila ng wikang Tagalog. Bago pa man ay mayroon nang mga gramatikang isinulat ang mga Kastila, at mayroon na ring naisulat sa wikang Ingles. Gayundin ang ilan sa mga naunang naisulat na balarila sa wikang Tagalog ay ang Gramatikang Tagalog ni Mamerto Paglinawan noong 1910 at Balarilang Pilipino ni Ignacio Evangelista noon 1923 (Constantino et. al. 2002, p. 16). Napaiba ang Balarila ng Wikang Pambansa sa mga naunang ito dahil tinalikdan nito ang paggamit ng Palasuriang Kastila o Ingles sa pagsusuri ng wikang Tagalog. Lumikha ang Surian ng mga bagong salita na ipinangalan sa mga bahagi at katangian ng wika, kabilang na dito ang salitang "balarila" mismo (Mañalac, et. al., p. v).
Nang isumite ni L. K. Santos ang aklat sa Surian ay pitong kagawad nito ang nagsuri at nagpatibay sa aklat. Sila ay sina Jaime C. de Veyra, Santiago A. Fonacier, Filemon Sotto, Casimiro T. Perfecto, Felix S. Salas Rodriguez, Hadji Butu, at Cecilio Lopez. Tanging si Lopez lamang ang Tagalog sa kanila (Aspillera, p. 86). Nang angkinin ito ng Surian ay nalangkapan na ito ng mga kaisipan ng iba pang kasapi ng Surian subalit ang pinakamalaking bahagi pa rin nito ay kay Lope K. Santos (Mañalac, et. al., p. v).
Matapos maipahayag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang saligan ng wikang pambansa noong 30 Disyembre 1937 ay pinagtibay niya ang Balarila ng Wikang Pambansa bilang opisyal na balarila ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas noong Abril, 1940 (Aspillera, p.81; Agoncillo, 1980, p. 362). Iniutos niya itong limbagin at gamitin sa mga paaralan kasama ang isang bokabularyo na may pamagat na A Tagalog-English Vocabulary na inihanda ni Teodoro Agoncillo at pinasukan ng ilang pagbabago ni Cecilio Lopez (Agoncillo, p.362).
Unang ginamit ito ng mga mag-aaral ng pagtuturo sa elementarya na nasa ikalawang antas at mga hayskul na nasa ikaapat na antas sa buong bansa (Constantino, et.al. p.29-30; Abiera 2002, p.47). Ayon kina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco (1977;2003, p. vi) ang lahat halos ng mga balarilang ginagamit sa mga paaralan, maging sa elementarya, sa mataas na paaralan, sa kolehiyo at unibersidad, ay pawang batay sa Balarila ni Lope K. Santos.. Ganito rin ang pananaw ni Ponciano B. P. Pineda, na dating tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Pilipino, na hanggang dekada 70 ay ilan pang mga guro ang gumagamit ng mga aklat na hango sa 1939 Balarila sapagka’t wala silang magamit na mga aklat na makabago (Santiago, at Tiangco, p. iii).
Ang isang halimbawa ng aklat pampaaralan na ibinatay sa opisyal na balarila ay ang Balarilang Pinagaán (1948) nina Antonia F. Villanueva, Jose Villa Panganiban at Antonio D.G. Mariano.
Simula dekada 70 ay may mga naglabasan nang balarila na nagmumungkahi ng pagbabago sa Balarila ng Wikang Pambansa. Ang ilan sa mga ito ay ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Santiago at Tiangco at ang Makabagong Gramar ng Filipino (1992;1999) ni Lydia Gonzales-Garcia.
Mga Sanggunian
baguhin- Abiera, A.B.A. (2002). Kasaysayan ng wikang pambansa at ng papel nito sa edukasyon. Sa Rubin, L.T., Casanova, A. P., Paz, P.V., Abiera, A.A., at Mangonon, I. Kasaysayan at pag-unlad ng wikang pambansa ng Pilipinas. Maynila: REX Book Store. ISBN 971-23-3321-3
- Agoncillo, T.A. (1980). Ang Pilipinas at ang mga Pilipino. Noon at Ngayon. (Ika-2 ed.). Lungsod ng Quezon: R.P. Garcia Publishing.
- Aspillera, P.S. (Tagapagsaayos). (1972). Talambuhay ni Lope K. Santos. Pantas-wika, may-akda ng “Banaag at Sikat” at “Balarila ng Wikang Pambansa,” makata, mamamahayag, lider-manggagawa, naging gobernador at senador. Pilipinas: Capitol Publishing House.
- Constantino, P., Lydia, G., & Ramos, J. (2002). Ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas. Sa Rubin, L.T., Casanova, A. P., Paz, P.V., Abiera, A.A., at Mangonon, I. Kasaysayan at pag-unlad ng wikang pambansa ng Pilipinas. Maynila: REX Book Store. ISBN 971-23-3321-3
- Gonzales-Garcia, L. (1992). Makabagong gramar ng Filipino. Maynila: REX Book Store.
- Gonzales-Garcia, L. (1999). Makabagong gramar ng Filipino. Binagong Edisyon. Maynila: REX Book Store. ISBN 971-23-2595-4
- Mañalac, G. R., Santos, L.K., López, C., Regalado, I. E., & Balmaseda, J.C. (1944). Balarilà ng wikang pambansá. Ikalawáng pagkápalimbág. Maynila: Kágawaráng-Bansá sa Pagtuturò. Surián ng Wikang Pambansá. Káwanihán ng Pálimbagan.
- Santiago, A. O., & Tiangco, N.G. (1977). Makabagong balarilang Filipino. Maynila: REX Book Store.
- Santiago, A. O., & Tiangco, N.G. (2003). Makabagong balarilang Filipino. Binagong edisyon. Maynila: REX Book Store. ISBN 971-23-3681-6.
- Villanueva, A. F., Mariano, A.D.G., & Panganiban, J.V. (1948). Balarilang pinagaán. For the collegiate level especially for normal school and college of education. Lungsod ng Quezon: Publishers Printing Press.
Mga kawing panlabas
baguhin- Balarila ng Wikang Pambansa (1944)[patay na link]. Unang 11 kabanata.
- Paglinawan, Mamerto. (1910). Balarilang Tagalog.
- (sa Kastila) San Agustin, Gaspar de. (1879). Compendio del arte de la lengua Tagala
- (sa Kastila) Serrano Laktaw, Pedro. (1929). Estudios gramaticales sobre la lengua Tagalog
- (sa Kastila) Totanes, Sebastian de. (1865). Arte de la lengua tagala y manual tagalog para la administracion de los ss. sacramentos: manual Tagalog para auxilio de los religiosos de esta santa provincia de San Gregorio Magno / que de orden de sus superiores compuso Fray Sebastian de Totanes. (Vol. 1, no. 1)
- (sa Kastila) Totanes, Sebastian de. (1865). Arte de la lengua tagala y manual tagalog para la administracion de los ss. sacramentos: manual Tagalog para auxilio de los religiosos de esta santa provincia de San Gregorio Magno / que de orden de sus superiores compuso Fray Sebastian de Totanes. (Vol. 2, no. 1)
- (sa Kastila) Coria, Joaquín de. (1872). Nueva gramática tagalog, teórico-práctica.
- (sa Kastila) Andrés de Castro, Pedro. (1930). Ortografía y reglas de la lengua Tagalog / acomodadas a sus propios caracteres por D. Pedro Andrés de Castro, reproducción del ms. ordenada por Antonio Graiño.
- (sa Ingles) Blake, Frank Ringgold. (1925). A grammar of the Tagalog language, the chief native idiom of the Philippine Islands.
- (sa Ingles) Demond, Henry S. V. D. (1935). Elements of Tagalog grammar
- (sa Ingles) Lendoyro, Constantino. (1909). The Tagalog language : a comprehensive grammatical treatise adapted to self-instruction and particularly designed for use of those engaged in government service, or in business or trade in the Philippines.
- (sa Ingles) MacKinlay, William Egbert Wheeler. (1905; 1907). A handbook & grammar of the Tagalog language.
alac et. al., p. 6]]).
- (sa Ingles) Blake, Frank Ringgold. (1925). A grammar of the Tagalog language, the chief native idiom of the Philippine Islands.
- (sa Ingles) Demond, Henry S. V. D. (1935). Elements of Tagalog grammar
- (sa Ingles) Lendoyro, Constantino. (1909). The Tagalog language : a comprehensive grammatical treatise adapted to self-instruction and particularly designed for use of those engaged in government service, or in business or trade in the Philippines.
- (sa Ingles) MacKinlay, William Egbert Wheeler. (1905; 1907). A handbook o.
- (sa Ingles) Blake, Frank Ringgold. (1925). A grammar of the Tagalog language, the chief native idiom of the Philippine Islands.
- (sa Ingles) Demond, Henry S. V. D. (1935). Elements of Tagalog grammar
- (sa Ingles) Lendoyro, Constantino. (1909). The Tagalog language : a comprehensive grammatical treatise adapted to self-instruction and particularly designed for use of those engaged in government service, or in business or trade in the Philippines.
- (sa Ingles) [http://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/text-idx?c=philamer;idno=ABS5202.0001.001 MacKinlay, William Egbert Wheeler. (1905; 1907). A handbook