Ang Paltik ay isang Filipino na termino para sa isang baril na gawa sa bahay lamang (homemade).[1] Karaniwan itong ginagawa gamit ang scrap metal at anggulong bakal.[2] Ang mga gawang bahay na sandatang ito ay kilalang ginagawa sa Danao, Cebu,[3] kung saan ang paggawa ng mga replika ng mga kilalang baril ay isang industriya.[4] Inaangkin ng mga gumagawa nito na magagawa nilang kopyahin ang anumang baril, bagama't mas gusto nilang gumawa ng anim na silindro (six-cylinder) na kalibre .38 na rebolber .[5] Sinabi ng gobyerno ng Pilipinas na ang mga baril na ito ay mababa ang kalidad, kahit na ang ilan ay itinuturing na "Class A" o mataas ang kalidad.[6] ng Danao ang may pinakamaraming konsentrasyon ng mga pabrika mula noong 1940s,[7] ngunit ang produksyon ng paltik ay matatagpuan din sa Negros, Leyte, at Mindanao . Ang Harapan ng Paglayang Islamiko ng Moro ay kilala rin na gumagawa ng paltik ngunit hindi nagawang palakihin ang kanilang produksyon dahil sa presyon ng gobyerno.[8]

Ang paltik ay nagtataglay ng mga hindi tamang kawastuhan at mababang kalidad ng mga mekanismo ng pagpapaputok.[9] Ang ilan ay mga kulang sa ukit sa kanyang raya, na nagiging dahilan ng maling pagtama ng bala laban sa tamang pag-asinta. Dahil sa hindi magandang pagkakagawa, ang sandata ay mas mapanganib sa bumabaril kaysa sa binabaril. Gayunpaman, ang ilang Pilipinong panday ng baril, ay gumawa ng mas maaasahang percussion cap rifles na gumagana sa paraang katulad ng isang musket noong ika-19 na siglo.

Iligal pa rin ang ginagawang Paltik sa Pilipinas ngayon. Ang mga ito ay nirerehistro noong administrasyon ni Pangulong Corazon Aquino ngunit ang "legalisasyon" na ito ay binawi at ang lahat ng rehistradong paltik ay kailangang isuko sa gobyerno.[10] Nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order No. 171 noong 2003 na nagbabawal sa mga paltik na maging lisensyado.[11]

Ang paltik ay mabisang isang ghost gun ; isang hindi rehistradong armas na walang mga serial number. Ang mga de-kalidad na replika ng kalibre .45 na semi-automatic pistol ay naitala na ginawa sa Pilipinas at napupunta sa itim na pamilihan ng Estados Unidos.[12]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

 

  1. Barreveld, Dirk Jan (2015). Cushing's Coup: The True Story of How Lt. Col. James Cushing and His Filipino Guerrillas Captured Japan's Plan Z (sa wikang Ingles). Casemate. p. 261. ISBN 9781612003085. Nakuha noong 6 Nobyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. III, Lynn T. White (2014). Philippine Politics: Possibilities and Problems in a Localist Democracy (sa wikang Ingles). Routledge. p. 41. ISBN 9781317574224. Nakuha noong 6 Nobyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Resource Material Series (sa wikang Ingles). UNAFEI. Marso 1997. Nakuha noong 6 Nobyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Jones, Doctor Adam (2008). Men of the Global South: A Reader (sa wikang Ingles). Zed Books Ltd. p. 268. ISBN 9781848131774. Nakuha noong 6 Nobyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Barreveld, Dirk (2014). CEBU - A Tropical Paradise in the Pacific (sa wikang Ingles). Lulu Press, Inc. ISBN 9781312577190. Nakuha noong 6 Nobyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  6. Geneva, Small Arms Survey (2013). Small Arms Survey 2013: Everyday Dangers (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 311. ISBN 9781107435735. Nakuha noong 6 Nobyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. McCoy, Alfred W. (2009). An Anarchy of Families: State and Family in the Philippines (sa wikang Ingles). Univ of Wisconsin Press. p. 540. ISBN 9780299229849. Nakuha noong 6 Nobyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Miani, Lino (2011). The Sulu Arms Market: National Responses to a Regional Problem (sa wikang Ingles). Institute of Southeast Asian. p. 111. ISBN 9789814311113. Nakuha noong 6 Nobyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Philippine Law Dictionary (sa wikang Ingles). Rex Bookstore, Inc. p. 704. ISBN 9789712349119. Nakuha noong 6 Nobyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Geneva, Small Arms Survey (2013). Small Arms Survey 2013: Everyday Dangers (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 314. ISBN 9781107435735. Nakuha noong 6 Nobyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Executive Order No. 171, s. 2003 | GOVPH". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Government of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Nobiyembre 2017. Nakuha noong 6 November 2017. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  12. "GHOST GUNS". National Geographic. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 20, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)