Pag-iral

(Idinirekta mula sa Pamamarati)

Ang pag-iral, pamamarati, pamamalagi,[1] o eksistensiya (mula sa Ingles na existence) ay kalimitang nangangahulugang "ang katayuan o kalagayan o katotohanan ng pagiging", ngunit maraming iba't ibang mga pananaw ukol sa kahulugan ng salitang ito, at kung paano ang umiral. May kaugnayan ito sa salitang pagkabuhay, "pagiging buhay", o "pagiging may buhay".[1] Kalimitan itong nakaugnay sa pandiwa o berbong "maging" katulad ng diwang ipinababatid sa sumusunod na mga pangungusap na ginagamit ng salitang ay:

  1. Ako ay isang tao.
  2. Ito ay isang panulat.
  3. Ang langit ay bughaw.
  4. Ang apat na dinagdagan ng tatlo ay pito.

Mauunawaan ang unang pangungusap bilang "Ako ay umiiral bilang isang tao", at sa payak na pagsasalita, maaaring totoo ito. Mas mahirap intindihin ang ikaapat na pangungusap, dahil maaari itong maunawaan bilang "umiiral ang pito bilang pagsasama ng apat at tatlo", subalit ang "pito" ay hindi isang bagay na maaaring makita o mahawakan katulad ng langit, panulat, o ng tao.

Napakahalaga ng katanungang "Ano ang pag-iral?" para sa mga pilosopo sa larangan ng pilosopiya, at maraming mga tao ang nag-iisip na si Aristoteles ang unang nilalang na taong seryosong nakapag-isip ng hinggil sa tanong na ito. Ito ay halimbawa ng isa sa mga katanungang na wala pang kasagutan.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Blake, Matthew (2008). "Existence". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Existence Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.