Unibersidad ng Oxford

(Idinirekta mula sa Pamantasan ng Oxford)

Ang Unibersidad ng Oxford (Ingles: University of Oxford; Oxford University o Oxford kapag impormal) ay isang unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ng Oxford, Inglatera, United Kingdom. Habang hindi ganap na batid ang eksaktong petsa ng pagkakatatag, mayroong katibayan na nangyayari na ang pagtuturo dito mula pa man noong 1096, kaya't maituturing itong pinakamatandang unibersidad sa mundo ng mga nagsasalita ng Ingles at ang pangalawang pinakamatandang unibersidad sa mundo ayon sa tuloy-tuloy na operasyon.[9] Ito ay mabilis na lumago mula simula 1167 nang ipagbawal ni Henry II ang mga mag-aaral na Ingles na pumasok sa Unibersidad ng Paris. Matapos ang alitan sa pagitan ng mga mag-aaral at taumbayan ng Oxford noong 1209, ilang mga akademiko ang tumakas patungo sa hilagang-silangan sa Cambridge kung saan nila itinatag ang kung ano ang naging Unibersidad ng Cambridge.[10] Ang dalawang "mga sinaunang unibersidad" na ito ay madalas na tinutukoy bilang "Oxbridge".

University of Oxford
Latin: Universitas Oxoniensis
SawikainDominus Illuminatio Mea (Latin)
Sawikain sa Ingles"The Lord is my Light"
Itinatag noongc. 1096[1]
Endowment£4.775 billion (inc. colleges) 2014-15[2]
KansilyerChris Patten
Pangalawang KansilyerLouise Richardson[3][4]
Academikong kawani1,791[5]
Mag-aaral22,602 (December 2015)[6]
Mga undergradweyt11,603 (2015)[6]
Posgradwayt10,499 (2015)[6]
Ibang mga mag-aaral500[7]
Lokasyon,
Mga Kulay     Oxford blue[8]
PalakasanThe Sporting Blue
ApilasyonIARU
Russell Group
Europaeum
EUA
Golden Triangle
G5
LERU
SES
Websaytox.ac.uk

Ang unibersidad ay binubuo ng iba't ibang mga institusyon, kabilang ang 39 konstituwent na kolehiyo at isang buong hanay ng mga akademikong kagawaran na nakaayos sa apat na mga dibisyon.[11] Ang lahat ng mga kolehiyo ay mga nagsasariling institusyon na bahagi ng unibersidad, ang bawat isa ay may pagkontrol ng sarili nitong mga miyembro at panloob na istraktura at mga gawain. Bilang nakapaloob sa isang pamantasang lungsod, ito ay walang pangunahing kampus; sa halip, ang lahat ng mga gusali at pasilidad ay nakakalat sa buong sentro ng lungsod. Karamihan sa mga pagtuturong undergraduate sa Oxford ay isinaayos sa pamamagitan ng mga lingguhang tutorial mga nagsasariling mga kolehiyo at bulwagan, na suportado ng mga klase, aralin at mga gawaing panlaboratoryo na inihahain sa pamamagitan ng iba't ibang fakultad at kagawaran.

Ang Oxford ay ang tahanan ng Rhodes Scholarship, isa ng ang pinakaluma at pinakaprestihiyosong iskolarsyip, na nagdala ng mga gradwadong mag-aaral sa university sa higit sa isang siglo.[12] Ang unibersidad ay nagpapatakbo ng pinakamatandang museong pampamantasan sa mundo, pati na rin ng pinakamalaking palimbagang pampamantasan sa mundo[13] at ang pinakamalaking pang-akademikong sistema ng aklatan sa Britanya. Ang Oxford ay tahanan sa maraming mga kilalang alumni, kabilang ang 28 Nobel laureates, 27 Punong Ministro ng United Kingdom, at maraming mga dayuhang mga pinuno ng estado.

Mga kolehiyo baguhin

Ang mga kolehiyo ng unibersidad ay ang mga sumusunod:

  • All Souls
  • Balliol
  • Brasenose
  • Christ Church
  • Corpus Christi
  • Exeter
  • Green Templeton
  • Harris Manchester
  • Hertford
  • Jesus
  • Keble
  • Kellogg
  • Lady Margaret Hall
  • Linacre
  • Lincoln
  • Magdalen
  • Mansfield
  • Merton
  • New College
  • Nuffield
  • Oriel
  • Pembroke
  • Queen's
  • Reuben
  • Somerville
  • St Anne's
  • St Antony's
  • St Catherine's
  • St Cross
  • St Edmund Hall
  • St Hilda's
  • St Hugh's
  • St John's
  • St Peter's
  • Trinity
  • University
  • Wadham
  • Wolfson
  • Worcester

Ang mga Permanenteng Pribadong Bulwagan (Permanent Private Halls) ay itinatag sa pamamagitan ng iba't ibang mga denominasyong Kristiyano. Isa sa mga pagkakaiba ng isang kolehiyo at isang PPH ay nasa pamamahala. Ang kolehiyo ay pinamamahalaan sa pamamagitan ng mga fellows ng kolehiyo, ang pamamahala sa isang PPH ay namamalagi sa kaukulang Kristiyanong denominasyon. Ang limang kasalukuyang PPHs ay ang mga ss:

  • Blackfriars
  • Campion
  • Regent's Park
  • St Stephen's House
  • Wycliffe

Ranggo at reputasyon baguhin

Ang Oxford ay regular na nararanggo bilang isa sa mga nangungunang 10 unibersidad sa mundo at sa kasalukuyan ay nangunguna sa mundo ayon sa Times Higher Education World University Rankings, pati na rin sa Forbes's World University Rankings.[14]

Galeriya baguhin

Mga sanggunian baguhin

  1. "Introduction and History". University of Oxford. Nakuha noong 21 Oktubre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Oxford University Financial Statements 2014-15" (PDF). Nakuha noong 4 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Declaration of approval of the appointment of a new Vice-Chancellor". Oxford University Gazette. University of Oxford. 25 Hunyo 2015. p. 659. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 30 Hunyo 2015. Nakuha noong 28 Hunyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "New Vice-Chancellor pledges 'innovative, creative' future for Oxford". News and Events. University of Oxford. 2016-01-04. Nakuha noong 2016-01-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Headcount by staff group". Data for 2015 booklet (PDF). 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2016-07-11. Nakuha noong 2017-02-03.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 "Student Numbers". University of Oxford. University of Oxford. Nakuha noong 14 Setyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Supplement (1) to No. 5049 – Student Numbers 2013" (PDF). Oxford University Gazette. Oxford: University of Oxford. 12 Pebrero 2013. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 26 Agosto 2014. Nakuha noong 21 Hulyo 2014.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The brand colour – Oxford blue". Ox.ac.uk. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Mayo 2013. Nakuha noong 16 Agosto 2013. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Sager, Peter (2005). Oxford and Cambridge: An Uncommon History. p. 36.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Early records". University of Cambridge.
  11. "Oxford divisions". University of Oxford. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 20 Oktubre 2013. Nakuha noong 26 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Applying for the Rhodes Scholarships – The Rhodes Trust". rhodeshouse.ox.ac.uk. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 13 Agosto 2012. Nakuha noong 25 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Balter, Michael (16 February 1994). "400 Years Later, Oxford Press Thrives". The New York Times. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Septiyembre 2011. Nakuha noong 28 June 2011. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  14. Strauss, Karsten (2016-09-23). "The World's Top Universities 2016". Forbes. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-10-21. Nakuha noong 2016-10-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

51°45′18″N 1°15′18″W / 51.755°N 1.255°W / 51.755; -1.255