Pamantasang Adam Mickiewicz sa Poznań

Ang Pamantasang Adam Mickiewicz sa Poznań (Ingles: Adam Mickiewicz University sa Poznań, Polako: Uniwersytet im. Adama Mickiewicza w Poznaniu) ay isa sa mga pangunahing unibersidad sa Poland, na matatagpuan sa lungsod ng Poznań, sa kanlurang bahagi ng bansa. Masusubaybayan ang pinagmulan nito sa taong 1611 at opisyal na binuksan noong Mayo 7, 1919. Mula noong 1955, dinala nito ang pangalan ng makatang Polish na si Adam Mickiewicz. Ang unibersidad ay madalas na nakalista bilang isa sa nangungunang tatlong unibersidad sa bansa. [1][2]

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.