Ang Unibersidad ng Brown (Ingles: Brown University) ay isang pribado at Ivy League na unibersidad sa pananaliksik sa Providence, Rhode Island, Estados Unidos. Itinatag noong 1764 bilang "The College in the English Colony of Rhode Island and Providence Plantations," ang Brown ay ang ikapitong pinakamatandang institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Estados Unidos at isa sa mga siyam na mga Kolonyal na mga Kolehiyo na itinatag bago ang Rebolusyong Amerikano.[2]

Ang araw ng pagtatapos sa Brown ay ginaganap mula pa noong 1776 sa First Baptist Church in America, na binuo noong 1774-75, at dinisenyo ni Joseph Brown.[1]

Higit na selektibo ang pagtanggap ng mag-aaral ng unibersidad sa antas undergraduate, na may 9 porsiyentong acceptance rate para sa mga klase ng 2020, ayon sa pamunuan.[3] Ang Unibersidad ay binubuo ng The College, Graduate School, Alpert Medical School, School of Engineering, School of Public Health, at School of Professional Studies (na kabilang ang IE Brown Executive MBA program). Ang mga pandaigdigang programa ng Brown ay inorganisa sa pamamagitan ng Watson Institute for International and Public Affairs, at ang unibersidad ay akademikong nakikipag-ugnayan sa Marine Biological Laboratory at Rhode Island School of Design. Ang Brown/RISD Dual Degree Program, na inaalok kasama ang Rhode Island Paaralan ng Disenyo, ay isang limang-taong kurso na naggagawad ng digri mula sa parehong institusyon.

Ang mga guro at alumni ng Brown ay kinabibilangan ng walong Nobel Prize laureates, limang National Humanities Medalists,[4] at sampung National Medal of Science laureates. Ang iba pang mga kilalang alumni ay kinabibilangan ng 55 Rhodes Scholars,[5] 14 MacArthur Genius Fellows,[6] 19 Pulitzer Prize winners,[7] isang Punong Mahistrado ng Korte Suprema ng Estados Unidos, apat na Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, at iba pang mga opisyal ng Gabinete, 54 miyembro ng Kongreso ng Estados Unidos, miyembro ng maharlikang pamilya, pati na rin ang mga pinuno at tagapagtatag ng mga pangunahing kumpanya.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bronson (1914), p. 63; the quote is from the Baptist Society resolution dated February 11, 1774
  2. "Encyclopedia Brunoniana | Bicentennial celebration". Brown University. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 28, 2010. Nakuha noong Hulyo 9, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Brown.edu
  4. "Awards & Honors: National Humanities Medals". Nakuha noong 15 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Colleges and Universities with U.S. Rhodes Scholarship Winners | The Rhodes Scholarships". Nakuha noong 2016-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Brown eighth on list for producing most MacArthur Fellows". Nakuha noong 2016-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The 20 Universities That Have Produced the Most Billionaires". Business Insider. Setyembre 7, 2014. Nakuha noong Hulyo 26, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Prominent Brown Alumni". Brownbears.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-25. Nakuha noong 2016-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-05-25 sa Wayback Machine.

41°49′34″N 71°24′11″W / 41.8261°N 71.4031°W / 41.8261; -71.4031