Pamantasang Brunel Londres

Ang Pamantasang Brunel Londres (Ingles: Brunel University London) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Uxbridge, Kanlurang London, United Kingdom. Itinatag noong 1966, ito ay ipinangalan sa inhenyerong Victorian na si Isambard Kingdom Brunel.

Kampus

Ito ay organisado sa tatlong kolehiyo at tatlong pangunahing instituto sa pananaliksik. Ang Brunel ay may higit sa 12,900 mag-aaral at 2,500 kawani, at merong kabuuang kita na £200.7 milyon noong 2014/15, kung saan 25% ay mula sa mga gawad at kontrata sa pananaliksik.[1]

Ang Brunel ay miyembro ng Association of Commonwealth Universities, European University Association, at Universities UK.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Financial Statements | Brunel University London". Brunel University London. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Mayo 2016. Nakuha noong 27 Abril 2016. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong); Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

51°31′58″N 0°28′22″W / 51.532777777778°N 0.47277777777778°W / 51.532777777778; -0.47277777777778   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.