Pamantasang Chulalongkorn

Ang  Pamantasang Chulalongkorn (Thai: จุฬาลงกรณ์มหาวิทยาลัย; RTGS: Chulalongkon MahawitthayalaiChulalongkon Mahawitthayalai; binibigkas [t͡ɕù.lāː.lōŋ.kɔ̄ːn má.hǎː.wít.tʰá.jāː.lāj]Ingles: Chulalongkorn University), dinadaglat bilang CU o Chula (Thai: จุฬาฯ), ay isang pampublikong at nagsasarilingunibersidad sa pananaliksik sa Bangkok, Thailand.[2] Ito ay ang pinakamatandang unibersidad sa modernong sistema ng edukasyon.[3]

Chulalongkorn University
จุฬาลงกรณ์มหาวิทยาลัย
Sawikain
  • ความรู้คู่คุณธรรม (official)
  • เกียรติภูมิจุฬาฯ คือเกียรติแห่งการรับใช้ประชาชน (unofficial)
Sawikain sa Ingles
  • Knowledge with Virtue (official)
  • Honour of Chula is the Honour of Serving the Public (unofficial)
UriPubliko
PanguloProf. Bundhit Eua-arporn, Ph.D.
(บัณฑิต เอื้ออาภรณ์)
Mag-aaral37,609
Mga undergradweyt25,464 [1]
Posgradwayt8,419
Mga mag-aaral na doktorado2,582
Lokasyon,
13°44′18″N 100°31′56″E / 13.738354°N 100.532188°E / 13.738354; 100.532188
KampusDowntown 2.0944 km2 (0.8087 mi kuw) }
Dating pangalan
  • Royal Pages School
  • Civil Service College of King Chulalongkorn
Anthem"Maha Chulalongkorn"
("Great Chulalongkorn")
Mga Kulay     Pink
MaskotRain Tree (Albizia saman)
ApilasyonASAIHL, AUN, APRU
Websaytwww.chula.ac.th

Ang Pamantasang Chulalongkorn ay ang unibersidad na may pinakamataas na ranggo sa buong Thailand sa bawat larangan ng pag-aaral at ito ay suportado ng Office of Nation Education Standards and Quality Assessment ng Thailand. Ang CU ay isa sa mga National Research Universities ng bansa. Bukod dito, ang CU ay ang tanging unibersidad sa bansa na naging miyembro ng Association of Pacific Rim Universities (APRU).

Ang admisyon sa CU ay lubos na selektibo, at kinakailangan ng mga aplikanteng magkaroon ng mataas na mga marka sa pagsusulit. Ang ranggo ng mga aplikante sa loob ng 10 pambansang mga marka ay tinitingnan upang makapasok sa CU.

Ang CU ay binubuo ng labinsiyam na fakultad, School of Agriculture, tatlong kolehiyo, sampung instituto at dalawa pang mga paaralan. Inookupa ng kampus ang isang malawak na lokasyon sa downtown Bangkok. Ang mga gradweyt ng unibersidad ay tradisyonal na nakakatanggap ng kanilang mga diploma mula sa Hari ng Thailand, isang tradisyon na nagsimula sa kay Haring Prajadhipok (Rama VII); noong panahon ni Haring Bhumibol Adulyadej (Rama IX), naatasang dito ang kanyang anak na babae, si Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn, dahil na rin sa kanyang kalusugan.

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Office of the Registrar, Chulalongkorn University. Statistics on Students in Different Level Naka-arkibo 2017-12-01 sa Wayback Machine.. Last updated January 16, 2016
  2. "Siam Square - Siam-Square.com" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "CU History". Nakuha noong 2016-09-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)