Pamantasang Félix Houphouët-Boigny

Ang Université Félix Houphouët-Boigny (dating University of Cocody-Abidjan, fr.: Université de Cocody o Université de Cocody-Abidjan UCA) ay isang pamantasan sa seksyon ng Cocody sa lungsod ng Abidjan, Côte d'Ivoire. Ito ang pinakaprestihiyoso sa buong bansa. May higit sa 50,000 mag-aaral, ang UCA ay may 13 fakultad at isang sentro ng pananaliksik, na nagbibigay ng diploma mula sa dalawang-taon ng pag-aaral sa antas undergraduate hanggang sa mga kwalipikasyong propesyonal, pang-akademiko, medikal, legal, at espesyalista. Ito ang pangunahing kampus ng nationwide Unibersidad ng Abidjan mula 1964 hanggang 1996, nang ito ay maging isang independiyenteng institusyon. Ito ay pinatatakbo ng estado, at nasa ilalim ng Ministri ng Edukasyon.

Ang campus pasukan
Ang University campus

Kasaysayan

baguhin

Ang UCA ay nagmula sa dalawang institusyong Pranses na itinatag mula noong 1958. Ang École des Lettres d'Abidjan (E. L. A.) na itinatag noong Oktubre 1958, sa ilalim ng magkasanib na administrasyon ng Unibersidad ng Dakar at pangasiwaang pang-edukasyon ng Côte d’Ivoire ("Direction de l 'enseignement de Côte d'Ivoire"). Itinatag sa parehong petsa ang Abidjan Center for Higher Education ("Centre d'enseignement supérieur d'Abidjan").

Ang pangalan ng unibersidad ay naging Université Félix Houphouët-Boigny noong Agosto 2012.[1]

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.