Pamantasang Jagiellonian

Collegium Maius
Ang Collegium Novum sa Lumang Distrito ng Bayan

Ang Pamantasang Jagiellonian (Polako: University Jagielloński, Latin: Universitas Iagellonica Cracoviensis, Ingles: Jagiellonian University, na kilala rin bilang ang Unibersidad ng Kraków) ay isang unibersidad sa pananaliksik sa Kraków, Poland.

Itinatag noong 1364 ni Casimiro III ang Dakila, ang Pamantasang Jagueloniko ay ang pinakamatandang unibersidad sa Poland, ang pangalawang pinakamatandang unibersidad sa Gitnang Europa, at isa sa pinakamatandang nananatiling umiiral na unibersidad sa mundo. Ilan sa mga kilalang alumni ng unibersidad, bukod sa marami pa, ay kinabibilangan ng matematiko at astronomong si Nicolaus Copernicus, haring Polako Juan III Sobieski, papa Juan Pablo II, at mga nagwagi ng Nobel Prize na sina Ivo Andrić at Wisława Szymborska.

Dahil kasaysayan nito, ang Pamantasang Jagueloniko ay tradisyonal na kinikilala bilang ang pinakaginagalang na institusyon ng mas mataas na edukasyon sa buong Poland — na sinasalamin din naman ng mga pandaigdigang pagraranggo.[1][2] Ang Pamantasang Jagueloniko ay miyembro ng Coimbra Grupo at Europaeum.

Mga sanggunianBaguhin

  1. "Study in Poland". Top Universities. 2014-09-03. Nakuha noong 2017-01-04.
  2. "Jagiellonian University" (sa Ingles). Nakuha noong 2017-01-04.

Mga koordinado: 50°03′39″N 19°55′58″E / 50.0608°N 19.9328°E / 50.0608; 19.9328
  Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.}