Pamantasang Jagiellonian

(Idinirekta mula sa Pamantasang Jagueloniko)

Ang Pamantasang Jagueloniko (Polako: Uniwersytet Jagielloński, Latino: Universitas Iagellonica Cracoviensis, Ingles: Jagiellonian University, na kilala rin bilang ang Pamantasan ng Cracovia) ay isang unibersidad sa pananaliksik sa Cracovia, Polonya.

Collegium Maius
Ang Collegium Novum sa Lumang Distrito ng Bayan

Itinatag noong 1364 ni Casimiro III na Dakila, ang Pamantasang Jagueloniko ay ang pinakamatandang pamantasan sa Polonya, ang pangalawang pinakamatandang pamantasan sa Gitnang Europa, at isa sa pinakamatandang nananatiling umiiral na pamantasan sa daigdig. Ilan sa mga kilalang alumni ng pamantasan, bukod sa marami pa, ay kinabibilangan ng matematiko at astronomong si Nicolas Copernico, haring Polako na si Juan III Sobieski, Papa Juan Pablo II, at mga nagwagi ng Nobel Prize na sina Ivo Andrić at Wisława Szymborska.

Dahil kasaysayan nito, ang Pamantasang Jagueloniko ay tradisyonal na kinikilala bilang ang pinakaginagalang na institusyon ng mas mataas na edukasyon sa buong Polonya — na sinasalamin din naman ng mga pandaigdigang pagraranggo.[1][2] Ang Pamantasang Jagueloniko ay kasapi ng Coimbra Grupo at Europaeum.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Study in Poland". Top Universities. 2014-09-03. Nakuha noong 2017-01-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Jagiellonian University" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

50°03′39″N 19°55′58″E / 50.0608°N 19.9328°E / 50.0608; 19.9328   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.}