Pamantasang Masaryk

Ang Pamantasang Masaryk (Ingles: Masaryk University,  Tseko: Masarykova univerzita; Latin: Universitas Masarykiana Brunensis) ay ang pangalawang pinakamalaking unibersidad sa Czech Republic, isang miyembro ng Compostela Group at Utrecht Network. Itinatag noong 1919 sa Brno bilang ikatlong pamantasang Czech (kasunod ng Pamantasang Carlos sa Praga na itinatag sa 1348 at Pamantasang Palacký na itinatag noong 1573), ito ngayon ay binubuo ng siyam na fakultad at humigit-kumulang 35,000 mag-aaral.[1] Ito ay ipinangalan kay Tomáš Garrigue Masaryk, ang unang pangulo ng isang malayang Czechoslovakia.[2]

Gusali ng medisina

Noong 1960, ang unibersidad ay naging Pamantasang Jan Evangelista Purkyně na isinunod sa pangalan ni Jan Evangelista Purkyně, isang biolohistang Czech. Noong 1990, kasunod ng Velvet Revolution bumalik ang unibersidad sa orihinal na pangalan.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Detailed Statistical Data". Masaryk University. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Agosto 2016. Nakuha noong 5 Mayo 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "MU Brief History". Masaryk University. Nakuha noong 2016-01-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "MU Important Dates in the History". Masaryk University. Nakuha noong 2008-12-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.