Pamantasang Massey
Ang Pamantasang Massey (Ingles: Massey University, Maori: Te Kunenga ki Pūrehuroa) ay isang unibersidad na nakabase sa Palmerston North, New Zealand, na may mga kampus sa Albany at Wellington. Ang Pamantasang Massey ay may humigit-kumulang 35,000 mag-aaral, 17,000 sa mga ito ay distance-learning students, kaya't ito ang pangalawang pinakamalaking unibersidad sa New Zealand kung hindi bibilangin ang mga pandaigdigang mag-aaral. Ang pananaliksik ay isasagawa sa lahat ng tatlong kampus.[1]
Ang Pamantasang Massey ay ang tanging unibersidad sa New Zealand na nag-aalok ng mga digri sa abyasyon, dispute resolution, pagbebeterinaryo, at nanoteknolohiya. Ang paaralan ng pagbebeterinaryo sa Massey ay akreditado ng American Veterinary Medical Association at kinikilala sa Estados Unidos, Australia, Canada, at Britanya. Ang programa nitong pang-agrikultura ay may pinakamataas na ranggo sa New Zealand, at isa sa nangunguna sa mundo ayon sa Quacquarelli Symonds' (QS) world university rankings.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Massey University At Auckland And Palmerston North, New Zealand". Edumaritime.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2014. Nakuha noong 22 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "QS World University Rankings by Subject 2013 – Agriculture & Forestry". Topuniversities.com. 30 Abril 2013. Nakuha noong 22 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
40°23′05″S 175°37′00″E / 40.3848°S 175.6166°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.