Pamantasang Paris Dauphine
Ang Pamantasang Paris Dauphine (Pranses: Université Paris-Dauphine; Ingles: Paris Dauphine University), madalas na tinutukoy bilang Paris Dauphine o Dauphine, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Paris, Pransiya. Ang Dauphine ay itinatag bilang isang kaguruan ng ekonomika at pamamahala noong 1968 sa dating punong himpilan ng NATO sa kanlurang Paris, sa 16th arrondissement.
Ang Dauphine ay tanyag sa instruksyon nito sa pananalapi, ekonomika, batas, matematika at negosyo.[1] Ang Dauphine ay isang selektibong unibersidad na may katayuan bilang "Grand Etablissement"; isang natatanging legal na istatus sa loob ng sistema ng mas mataas na edukasyon sa Pransiya na nagbibigay-daan sa Dauphine na magtakda ng sariling pamantayan sa pagpasok ng mag-aaral.[2]
Ang Dauphine ay isang tagapagtatag na miyembro, at ngayon ng isang bahaging kolehiyo ng Université PSL. Ito rin ay kabilang sa Conférence des Grandes écoles.
Mga sanggunian
baguhin48°52′14″N 2°16′26″E / 48.8706°N 2.2739°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.