Pamantasang Rockefeller
Ang Pamantasang Rockefeller ay isang pribadaong unibersidad na graduweyt sa Lungsod ng New York. Pangunahin itong nakatuon sa pambiyolohiya at pangmedisinang agham at nagbibigay ng edukasyong doktoral at posdoktoral. Ang Rockefeller ay ang pinakamatandang institusyon sa pananaliksik na biyomedikal sa Estados Unidos. Mayroon itong 82 katao ng pakultad ay mayroong 37 kasapi ng Pambasang Akademya ng mga Agham, 17 kasapi ng Pambansang Akademya ng Medisina, pitong ginawaran ng Gawad Lasker, at limang ginawaran ng Gantimpalang Nobel. Noong Oktubre 2019, may kabuuang 36 laureado ng Nobel na apilyado sa Pamantasang Rockefeller.
Matatagpuan ang unibersidad sa Mataas na Silangang Bahagi ng Manhattan, sa pagitan ng ika-63 at ika-68 mga kalye ng Abenidang York. Si Richard P. Lifton ang naging ikalabing-isang pangulo ng unibersidad noong Setyembre 1, 2016. Nilalathala ng Palimbagan ng Pamantasang Rockefeller ang Journal of Experimental Medicine, ang Journal of Cell Biology, at The Journal of General Physiology.
Kasaysayan
baguhinNaitatag ang Pamantasang Rockefeller University noong Hunyo 1901 bilang The Rockefeller Institute for Medical Research—kadalasang tinatawag bilang The Rockefeller Institute—ni John D. Rockefeller, na nagtatag ng Pamantasang Chicago noong 1889, sa payo ng kanyang tagapayo na si Frederick T. Gates[1] at nabigyan ng aksyon noong Marso 1901 sa pamamagitan ng kanyang anak, si John D. Rockefeller Jr.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Chernow R. Titan: The Life of John D Rockefeller Sr (New York: Vintage Books, 2004), pp 471–2.
- ↑ Swingle AM. "The Rockefeller chronicle" Naka-arkibo 2012-10-05 sa Wayback Machine.. Hopkins Medical News. Taglagas 2002.