Pamantasang Surrey
Ang Unibersidad ng Surrey (Ingles: University of Surrey) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa loob ng bayan ng Guildford, sa kondado ng Surrey, timog-silangang Inglatera, United Kingdom. Ang unibersidad ay dalubhasa sa agham, inhinyerya, panggagamot at negosyo. Natanggap nito ang tsarter nito noong 9 Setyembre 1966, at dati nang nakatayo malapit sa Battersea Park sa timog-kanluran ng Londres. Ang institusyon ay kilala bilang Battersea College of Technology bago magkaroon ng university status. Ang ugat nito, gayunpaman, ay bumabalik sa Battersea Polytechnic Institute, itinatag sa 1891 upang magbigay ng karagdagan at mas mataas na edukasyon para sa mahihirap ng Londres.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Douglas, Roy (1991). Surrey: the Rise of a Modern University. Guildford: Surrey University Press Ltd. ISBN 1-85237-067-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
51°14′35″N 0°35′22″W / 51.2431°N 0.5894°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.