Pamantasang Vytautas Magnus

Ang Pamantasang Vytautas Magnus (Ingles: Vytautas Magnus University, VMU, Litwano: Vytauto Didžiojo universitetas, VDU) ay isang pampublikong unibersidad sa Kaunas, Lithuania . Ang unibersidad ay itinatag noong 1922 sa panahon ng digmaang Polish-Lithuanian bilang isang kahaliling pambansang unibersidad.

Sa umpisa ay kilala ito bilang Unibersidad ng Lithuania, ngunit noong 1930 ang pamantasan ay pinalitan ng kasalukuyan nitong pangalan, sa paggunita ng 500 taong pagkamatay ni Vytautas the Great, ang pinuno ng Lithuania, na kilala para sa historikal na pinakadakilang pagpapalawak ng bansa noong ika-15 siglo.

Ito ay isa sa mga nangungunang unibersidad ng Lithuania, na mayroon ngayong 8,800 mga mag-aaral, kabilang ang mga kandidatong Master at Ph.D.[1][2]

Mga sanggunian

baguhin

54°53′54″N 23°54′50″E / 54.8983°N 23.9139°E / 54.8983; 23.9139   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.