Pamantasang Wake Forest

Ang Pamantasang Wake Forest (Ingles: Wake Forest University) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Winston-Salem, Hilagang Carolina, Estados Unidos at itinatag noong 1834. Ang ngalan ng unibersidad ay mula sa orihinal na lokasyon sa Wake Forest, sa hilaga ng Raleigh, Hilagang Carolina na kabisera ng estado. Ang Reynolda Campus, university main campus, ay matatagpuan sa hilaga ng lungsod ng Winston-Salem mula nang ilipat doon ang unibersidad noong 1956. Ang Wake Forest Baptist Medical Center ay may dalawang lokasyon, ang mas luma ay matatagpuan malapit sa komunidad ng Ardmore sa gitnang Winston-Salem, at ang mas bagong kampus ay sa Wake Forest Innovation Quarter sa downtown. 

Wait Chapel na matatagpuan sa Hearn Plaza (o ang 'Upper Quad').

Ang mga tanyag na tao na konektado sa Pamantasang Wake Forest ay kinabibilangan ng may-akdang si Maya Angelou, matematikong si Phillip Griffiths, Senador Richard Burr at Kay Hagan, atletang sina Chris Paul, Tim Duncan, Muggsy Bogues, Brian Piccolo at Arnold Palmer, at CEO na si Charlie Ergen.

36°08′06″N 80°16′37″W / 36.135°N 80.277°W / 36.135; -80.277 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.