Ang Pamayanang Taizé ay isang ekumenikal na Kristiyanong monastikong orden sa Taizé, Saône-et-Loire, Burgonya, Pransiya. Ito ay binubuo ng isang kaunting humigit ng 100 kalipi na nagmumula sa Katoliko, Ortodoksa at Protestante. Humigit 100,000 kabataan mula sa mga panig ng daigdig ay gumagawa ng mga banal na paglalakbay sa Taizé bawat taon para sa dalangin, araling pam-Bibliya, pakikibakas, at gawaing pangmadla.

Kasaysayan

baguhin

Mga unang taon

baguhin

Itinatag ang Pamayanang Taizé ni Roger Louis Schütz-Marsauche (kinilala sa bandang huli bilang Frère Roger o Kaliping Roger), na ipinanganak noong 12 Mayo 1915 sa Provence, Swesya, anak nina Amélie Marsauche at Charles Schütz, isang Swesong Repormadong pastor. Naalala ni Kaliping Roger noong siya ay labindalawang taong gulang na nakita niyang pumupunta ang kanyang ama sa simbahang Katolikong Romano upang manalangin. Halos isang taong nakalilipas, nang kinakailangang lisanin ni Roger ang tahanan upang pumasok sa mataas na paaralan, ipinadala siya ng kanyang mga magulang upang kumupkop sa tahanan ng isang mahirap na Katolikong balo, na may maraming anak. Bagama't ang pamumumupkop ng isa pang pamilyang Protestante ay maaaring mangyari, inisip ng kanyang ama na ang timbaw na salapi ay nakatutulong nang higit sa Katolikong pamilya, sa kabila ng pangyayari na ang pamilyang ito ay nagmumula sa ibang nakaugaliang eklesyal. Nanatili si Roger doon hanggang nagsimulang mag-aral sa pamantasan. Noong 1936, pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa araling pampanitikan, pumasok si Roger sa kanyang unang taon sa edukasyong panteolohiya sa Lusana.

Sa kapanahunan ng tag-init ng 1940, pagkatapos ng apat na taon ng mga pag-aaral na panteolohiya at may isa pang maikling tesis na isusulat upang mabuo ang kanyang baytang pang-akademika, siya ay nagpasiyang tumigil sa pag-aaral. Maraming palibot na bansa ay sinalakay na ng Nasing Alemanya, at naramdaman ni Roger na ang kanyang mga paghabong pang-akademika ay napakalayong inalis mula sa digmaan na nag-ukilkil sa palibot niya. Naggunam-gunam siya na ano ang talagang maglayon upang mamuhay ang isang buhay ayon sa Banal na Kasulatan at nagsimula ng isang paghahanap ukol sa isang kakaibang pagpapahiwatig ng buhay Kristiyano. Isang taon pagkatapos ng pasiya nito nagdili-dili si Roger, "'Ang pagkagapi ng Pransiya ay nagpukaw ng makapangyarihang habag. Kung ang isang bahay ay doong itatatag, ng tipong pinapangarap [ko], ito ay magdudulog ng isang paraang maaaring mangyari ng pag-aatang ng mga ibang nahadlangan nang lubos, mga nakaitan ng isang kabuhayan, at ito ay magiging isang lugar ng tahimik at gawain.'" Nang dahil ang kanyang Swesong lupang tinubuan ay walang pinapanigan at sa ganun at di-gaanong nadamay ng digmaan, nadarama niya na kung ang Pransiya ay magiging huwaran para sa kanyang pananaw. Para kay Roger, Ang Pransiya ay isang "lupain ng karukhaan, isang lupain ng pagdurusa sa panahon ng digmaan, subali't isang lupain ng higit na paloob na kalayaan." Sa huli, tumining siya sa Taizé, na ito ay isang mapanglaw na nayon na halos nasa hilaga ng Cluny, ang lugar ng kapanganakan ng kanlurang monastisismo.

Noong Setyembre 1940, bumili si Roger ng isang maliit na bahay na balang araw ito ay magiging tahanan ng pamayanang Taizé. Mga ilang milyang patimog lamang ng linya ng paghihiwalay na naghahati ng bansang winasak ng digmaan sa kalahati, ang tahanan ni Roger ay naging isang santuwaryo ng mga tumakas sa di-mabilang digmaan na naghahanap ng silungan. Noong 11 Nobyembre 1942, sinakop ng Gestapo ang bahay ni Roger habang siya ay nasa Swesya na naglilikom ng mga pondo upang iayuda sa kanyang timbulang paglilingkod. Hindi nakabalik si Roger sa kanyang tahanan sa Taizé hanggang sa kapanahunan ng taglagas ng 1944, na naging malaya ang Pransiya.

Noong 1941, nakapaglimbag si Roger ng kaunting maliliit na pulyeto na nagbabalangkas ng maraming yugto ng isang sama-samang buhay pangmadla na nakasentro si Kristo. Ang mga pulyeto ay nag-udyok ng dalawang binata na kumatok sa pintuan ni Roger, kinabukasan kasunod ang pangatlo. Sila ay nakatira sa Swesya sa bahura na pag-aari ng pamilya ni Roger hanggang sa katapusan ng digmaan nang sila ay sama-samang nagsimula ng isang bagong buhay sa kanayunang Pranses. Humigit na sumunod na mga taon ang mga iba pang kalalakihan ay sumanib sa pamayanan na sinimulan ng Kaliping Roger. Sa araw ng Pasko ng Pagkabuhay ng 1949, ang mga pitong kalipi ay naglagak sa mga sarili nila[1] sa isang buhay na sumusunod kay Kristo sa kalaharan, hindi pag-aasawa at pamayanan.[2]

Ang paglaki ng Pamayanan

baguhin

Sa mga kasunod na taon, maraming bagong kalipi ay sumanib sa munting pamayanang ito, at noong 1969 isang batang Belhikanong doktor ay naging unang Katolikong kalipi na namalangka ang kanyang buhay sa pamayanan ng Taizé. Maraming Katolikong Romano at sa huli maraming kaliping Ortodokso ay sumanib sa pamayanan. Kinabukasan ang mga Kalipi ng Taizé ay gumagawa ng mga paglalakbay sa mga munting nayon upang magdala ng abuloy sa mga tao sa mga parehong pangnayon at panlungsod na lugar.[3]. Nagsimulang magbuo ng mga "kapatiran" ng mga kalipi sa mga ibang lungsod na nagtatamo na maging "mga bantas ng kiya ni Kristo sa mga tao, at tagapagdala ng kaluwalhatian". Mula 1951, ang mga kalipi ay nakatira sa mga maliliit na kapatiran sa mga mahihirap ng daigdig sa Kulkata, Banglades at sa Pilipinas sa Alherya, Brasil at kahit sa Hell's Kitchen sa Lungsod ng Bagong York.

Mga kabataan

baguhin

Nang lumaganap ang kanilang gawain sa kabuuan ng Europa, ang kanilang pamayanang ekumenikal ay unti-unti nakikilala. Noong dekada 60 ang mga kabataan ay nagsimulang dumalaw sa Pamayanang Taizé, at ang unang sabansaang pagpupulong ng mga batang balubata ay isinaayos sa Taizé noong 1966 na may 1,400 kalahok mula sa 30 bansa.

Sa malao't madali, ang simbahang pangnayon ng Taizé, na ginagamit para sa mga pampamayanang dalangin, naging napakaliit para sa manlalakbay ng banal na pook na dagdating sa paglalaan ng lugar. Isang bagong simbahan, ang Simbahan ng Pagkakasundo, ay itinayo noong unag dekadang 60 sa tulong ng mga boluntaryo, at pinalawak nang maraming beses sa mga kasunod na dekada, una sa may talabing, at pagkatapos na may mga maaalwan na karagdagang gusali na gawa sa kahoy.

Noong 1970, na may sanligan ng mga protesta ng mga mag-aaral na lumalaganap sa buong Europa at sa daigdig, gayundin sa Ikalawang Kapulungan ng Batikana, nagpahayag si Kaliping Roger ng isang "Kapulungan ng Kabataan"[4], na ang pangunahing pagpupulong ay naganap noong 1974.

Sa katapusam ng dekada 70, ang mga pagpupulong at mga palibot na gawain ay nagsimula na tinukoy bilang "Banal na Paglalakbay ng Tiwala sa Daigdig". Binabati ang pagdating ng nasa kabataan sa Taizé sa kapanahunan ng mga Europeo at pandaigdigang pagpupulong ay mula't sapul ang pangunahing linaw ng Pamayanang Taizé.

Kamatayan ni Kaliping Roger

baguhin

Noong 16 Agosto 2005, namatay si Kaliping Roger dahil sa pananaksak ng isang babaeng may kapansanan sa isip sa kapanahunan ng lingkod na panggabing dalangin. Siya ay pumalit kay Kaliping Alois, isang Katolikong Aleman, na inatasan ni Kaliping Roger na maging kapalit walong taong nakararaan.

Banal na Paglalakbay ng Tiwala sa Daigdig

baguhin

Ang Pamayanang Taizé ay binibigyang-diin na hindi nila ninanais na maglikha ng isang kilusan o organisasyon na sumentro sa pamayanan at/o sa mga pagpupulong. Manapa nais nilang magpadala ng mga batang pilgrimo nang pabalik mula sa mga pagpupulong pangkabataan sa mga pampook na simbahan, sa kanilang mga parokya, pangkat o kalipunan, upang magsagawa, kasama ang maraming iba pa, ng isang "Banal na Paglalakbay sa Tiwala sa Daigdig."[5]

Musika at pagsamba

baguhin

Gayumpaman, ang pamayanan ay naghahanap upang saludarin ang mga tao at mga nakaugalian mula sa ibayo ng daigdig. Ito ay nagsasalamin sa musika at mga panalangin kung saan inaawit ang mga awit sa iba't ibang wika, at malawak na kabilang ang mga kanta at mga poon mula sa nakaugaliang Simbahang Ortodoksa. Binibigyang-diin ng musika ang mga payak na parirala, karaniwang mga linya mula sa mga Salmo o iba pang tingal na Kasulatang Banal, inuulit at minsan inaawit din sa kanon. Ang pag-uulit ay sinasadya upang iayuda ng pagmumuni at panalangin.[6] Karamihan sa mga naunang musika ng pamayanang Taizé ay isinaisip at nilikha ni Jacques Berthier.[7] Kinabukasan, si Joseph Gelineau ay naging pangunahing tagaambag sa musika.[7]

Sa maraming lugar sa ibayo ng daigdig, ang mga ekumenikal na panalangin na gumagamit ng musika mula sa Taizé ay isinaayos ng mga tao, bata't matanda, na naging kapiling sa pamayanan. Ang websayt ng pamayanan ay naglalaan ng mga pagwawari-wari, mga panalangin, at mga awitin para sa gamit ng mga dalanging pampook.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ang simula, Opisyal na Websayt ng Pamayanang Taizé
  2. Isang habambuhay na paglalagak, Opisyal na Websayt ng Pamayanang Taizé
  3. "Mga Kalipi ng Taizé" Naka-arkibo 2013-07-21 sa Wayback Machine., Pahayagang TIME, 5 Setyembre 1960
  4. "Ang mga Manlalakbay ng Banal na Pook ng Taizé" Naka-arkibo 2013-08-13 sa Wayback Machine., Pahayagang TIME, 29 Abril 1974
  5. "Pilgrimage of Trust on Earth", Opisyal na Websayt ng Pamayanang Taizé
  6. Panalangin at Awit, Opisyal na Websayt ng Pamayanang Taizé
  7. 7.0 7.1 "Taize Worship". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-11. Nakuha noong 2009-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-04-11 sa Wayback Machine.

Mga panlabas na kawing

baguhin

46°30′49″N 4°40′37″E / 46.51361°N 4.67694°E / 46.51361; 4.67694