Ang Viet Cong (Việt cộng tungkol sa tunog na ito pakinggan), National Liberation Front (NLF), o Pambansang Harapan para sa Pagpapalaya ng Timog Biyetnam, ay isang organisasyong pampolitika at hukbong katihan ng Timog Biyetnam at Cambodia na lumaban sa mga pamahalaan ng Mga Nagkakaisang Estado (Estados Unidos) at ng Biyetnames ng Katimugan noong ng panahon ng Digmaan sa Biyetnam (1959–1975), at lumitaw bilang nasa nagwawaging panig. Ang pangkat ay mas nakikilala bilang Vietcong (Việt Cộng) o V.C. na pagpapaiksi sa pariralang Ingles na "Vietnamese Communist" (Komunistang Biyetnames). Tinawag ng mga sundalong Amerikano ang mga puwersa ng komunistang Biyetnames bilang Charlie, kahit na ang mga ito ay Biyetnames ng Hilaga o Vietcong.

Ang pangkat ay binubuo ng mga tao magmula sa Timog at Hilagang Biyetnam. Ang Vietcong ay gumamit ng pakikipaglabang panggerilya, na kinasasangkutan ng mga pagbobombang pangterorista, mga asasinasyon, at mga pagtatambang. Ang grupo ay higit na nakikilala dahil sa Pagsalakay na Tet (Tet Offense), isang paglusob sa maraming mga lungsod ng Timog Biyetnam na isinakatapuran noong Pebrero 1968. Ang pangkat ay malapit na kakampi ng pamahalaan ng Hilagang Biyetnam, na sumakop sa Timog Biyetnam noong 1975.

Ayon sa 'Re-thinking Camelot' (Noam Chomsky 1993) ang panananggalang o paglaban ng NLF, sa isang bahagi, ay ang resulta ng paninindak na ginawa sa kanila ng Timog Biyetnam na sinuportahan at ginabayan ng Estados Unidos, na isinagawa habang ang NLF ay mapayapang naghihintay ng mga halalan na ipinangako ng Kasunduan sa Ginebra noong 1954.


MilitarBiyetnam Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar at Biyetnam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.