Pambansang Pangasiwaan sa Pagmamapa at Dulugang Kaalaman
pambansang ahensya ng pagmamapa ng Pilipinas
Ang Pambansang Pangasiwaan sa Pagmamapa at Dulugang Kaalaman (Ingles: National Mapping and Resource Information Authority, dinadaglat bilang NAMRIA), ay isang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) na may pananagutan sa pagbibigay ng mga serbisyong pampubliko sa paggawa ng mapa at kumikilos bilang punong sangay sa pagmamapa, lagakan, at tagapamahagi ng mga kaalaman sa likas na yaman sa pamamagitan ng mga mapa, tsart, teksto, at estadistika.
National Mapping and Resource Information Authority | |
Buod ng Agency | |
---|---|
Pagkabuo | 1988 |
Punong himpilan | 14°32′09″N 121°02′29″E / 14.53581°N 121.04135°E |
Tagapagpaganap Agency |
|
Pinagmulan na kagawaran | Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman |
Websayt | http://www.namria.gov.ph |