Pambansang koponan ng futbol ng Pilipinas para sa kababaihan
Ang pambansang koponan ng futbol ng Pilipinas para sa kababaihan ay ang pambansang koponan ng Pilipinas ng mga kababaihan na kumakatawan ng bansa sa pandaigdigang futbol.
(Mga) Palayaw | Filipinas (Mga Pilipina) Malditas (Pilipinang palaban) | ||
---|---|---|---|
Kapisanan | Philippine Football Federation | ||
Sub-kalaguman | AFF (Timog Silangang Asya) | ||
Kalaguman | AFC (Asya) | ||
Punong tagasanay | Alen Stajcic | ||
Lakan | Tahnai Annis | ||
Kodigong FIFA | PHI | ||
Katayuan sa FIFA | 53 | ||
Pinakamataas na katayuan ng FIFA | 53 (Hunyo 2022 – present) | ||
Pinakamababang katayuan ng FIFA | 133 (Setyembre 2011) | ||
| |||
Unang pandaigdigang laro | |||
Hong Kong 2–0 Pilipinas (Hong Kong; 7 Hunyo 1981) | |||
Pinakamalaking pagwawagi | |||
Pilipinas 16–0 Tonga [1]
(Sydney, Australia; 22 Abril 2022) | |||
Pinakamalaking katalunan | |||
Tsina 21–0 Pilipinas (Kota Kinabalu, Malaysia; 24 Setyembre 1995) | |||
Pandaigdigang Laro sa Sipaang-bola | |||
Appearances | 1 (Una sa 2023) | ||
Pinakamagandang resulta | TBD | ||
Asian Cup | |||
Mga pagpapakita | 10 (First in 1981) | ||
Pinakamagandang resulta | Semifinals (2022) | ||
AFF Championship | |||
Mga pagpapakita | 11 (First in 2004) | ||
Pinakamagandang resulta | Champions (2022) | ||
Mga bunyi
|
Binuo ang koponan noong dekada 1980. Regular na sumasali ang Pilipinas sa AFC Women's Asian Cup. Ito ay unang lumahok noong 1981 noong kilala pa ang torneyo bilang AFC Women's Championship. Isinagawa ang paligsahan noong 1999 sa Iloilo at Bacolod sa Pilipinas. Hindi na muli nakasali ang koponan sa kampeonato pagkatapos nito lumahok noong 2003 dulot sa pagkilala ng prosesong kwalipikasyon simula sa edisyong 2006. Bumalik sila sa AFC Women's Asian Cup para sa 2018 matapos silang makakwalipika noong 2017. Sa iterasyon ng torneyong eto, ang koponan ay nakalagpas sa group stage - ang unang beses na nakamit sa kasaysayan ng kanilang pakikilahok sa Asian Cup. Nahigitan pa neto ng Pilipinas nang makaabot sila sa semipaynal ng edisyong 2022 at makakwalipika para sa 2023 FIFA Women's World Cup. Eto ang unang beses nila makapasok sa FIFA Women's World Cup sa kanilang 42-taon na kasaysayan.[2]
Sa futbol sa Timog Silangang Asya, nakamit ng koponan ng Pilipinas ang una nilang titulo sa AFF Women's Championship noong 2022. Malimit lang ang tagumpay ng koponan sa pang-rehiyon na torneyo bago neto at sa Palarong Timog Silangang Asya.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ del Carmen, Lorenzo (22 Abril 2022). "Carleigh Frilles scores five as Filipinas enjoy 16-goal rout of Tonga". Tiebreaker Times.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Carandang, Justin Kenneth (Enero 31, 2022). "Philippine women's football team qualifies for FIFA Women's World Cup for first time ever". GMA News. Nakuha noong Enero 31, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)