Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago.
Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin.
Ang Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2014, Walang nakatalagang hangganan ang panahon ng mga bagyo sa 2014. Karamihan ng mga bagyo ay nabubuo sa hilagang-kanluran ng Dagat Pasipiko mula Mayo hanggang Nobyembre.
Ang bagyong Glenda ay ang pinakaunang bagyong tumama sa kalupaan sa Pilipinas sa taong 2014. Ito ang ikapitong bagyong pinangalanan ng PAGASA. Ang salitang rammasun ay galing sa Wikang Thai para sa bathala ng kulog.[1] Unang inulat na tatama sa kalupaan sa Lambak ng Cagayan, ngunit naglakbay pakanluran ang bagyo at lumaon ay inasahang tatama sa kalupaan sa Kabikulan at dadaan sa mga lalawigan ng Bataan at Zambales at pati sa Kamaynilaan.
Ang bagyong Ruby, ay isang napakalakas na bagyo na tumama sa Silangang Bisayas noong ika Disyembre 8-9 noong taong 2014. Nanalasa ito sa Borongan, Silangang Samar at Catbalogan, Kanlurang Samar. At ang sunod na sinalanta nito ay rehiyon nang BICOL at MIMAROPA. Ito ay nag landfall sa mga bayan ng: San Julian, Eastern Samar, Batuan, Masbate, Claveria, Masbate, San Francisco, Quezon at San Juan, Batangas.
Pinsala
Naglikha si Bagyong Ruby nang malawakang pinsala sa Silangang Bisayas, ang matinding pinuruhan nito ay ang mga lungsod nang Borongan at Catbalogan. Na aabot sa bilyong pisong pinsala maging imprastraktura, Nagwasak si Ruby na ng mga maraming bahay at mga bukirin. Hindi masyado sa pininsalang nilikha nang Super Bagyong Yolanda.
Samantala, pinapangalanan naman ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (PAGASA) ang mga bagyong may kaparehong lakas ng hangin na pumapasok o nabubuo sa Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas (PAR). Nauulit ang mga pangalan tuwing apat na taon. Kapag naubusan ng pangalan, gagamitin ang karagdagang pangalan hanggang sa dumating ang bagong taon. Inaasahang gagamitin sa unang pagkakataon ang mga pangalang "Jose" matapos nitong palitan ang mga pangalang "Juan", "Katring", "Milenyo" at "Reming" na huling ginamit ng PAGASA noong 2010.
Gagamitin ng PAGASA ang mga pangalang huling ginamit noong panahon ng 2010, kung saan 20 ang pumasok sa Sakop na Responsibilidad nito. Ang mga pangalang "Juan", "Katring", "Milenyo" at "Reming" ay inaasahang gagamitin sa kauna-unahang pagkakataon matapos nitong palitan ang mga Bagyong Jose, na nakapagtala ng malaking pinsala at pagkawala ng buhay sa Visayas at Mindanao.