Panahong pre-Kolumbiyano
Ang panahong pre-Kolumbiyano ang mga subdibisyon ng mga panahon sa kasaysayan at bago-ang-kasaysayang mga Amerika bago ang paglitaw ng malaking impluwensiya ng mga Europeo sa mga kontinenteng Amerikano. Ito ay sumasaklaw mula sa orihinal na pagtira sa panahong Itaas na Paleolitiko hanggang sa kolonisasyon ng mga Amerika noong panahong maagang moderno. Bagaman ang pariralang panahong pre-Kolumbiyano ay tumutukoy lamang sa panahong nauna sa mga paglalayag ni Christopher Columbus noong 1492, sa kasanayan, ito ay karaniwang ginagamit upang tukuyin ang kasaysayan ng mga katutubong tao ng mga Amerika hanggang sa ang mga kulturang ito ay sinakop o malaking naimpluwensiyahan ng mga Europeo kahit pa nangyari ito sa mga dekada o siglo pagkatapos ng unang pagtuntong ni Columbus dito. Para sa kadahilanang ito, ang mga alternatibong terminong Precontact Americas, Pre-Colonial Americas o Prehistoric Americas ay ginagamit rin. Sa mga sakop ng Amerikanong Hispaniko, ang terminong karaniwang ginagamit ay Pre-Hispaniko. Ang ilan sa mga katutubong kabihasnang ito ay lumipas na sa panahon ng unang permanent pagdating ng mga Europeo at mga Aprikano ca. huling ika-15 hanggang maagang ika-16 siglo CE. Ito ay alam lamang sa pamamagitan ng mga imbestigasyon sa arkeolohiya. Ang iba kontemporaryo sa panahong kolonyal at nilalarawan ng mga salaysay na historikal ng panahong ito. Ang ilan gaya ng kabihasnang Maya ay may sarili nilang mga isinulat na rekord. Dahil nakia ng maraming mga Kristiyanong Europeo ang mga kasulatang ito ng mga katutubo na eretikal, winasak at sinunog ng mga taong tulad ni Diego de Landa ang marami sa mga kasulatang ito. Ang tanging ilang mga nakatagong dokumento ng mga katutubo ang nakaligtas sa kanilang mga orihinal na wika samantalang ang iba ay tinranskriba o dinikta sa wikang Espanyol. Ang mga katutubong mga tao ng mga Amerika ay patuloy na nag-eebolb pagkatapos ng panahong pre-Kolumbiyano. Marami sa mga taong ito at kanilang mga inapo ay nagpapatuloy ng mga tradisyonal na kasanayan ng kanilang mga ninuno habang umaangkop sa mga bagong kasanayang kultural at teknolohikal sa kanilang mga buhay.
Mga sanggunian
baguhin