Pananagutan
Ang pananagutan, o akontabilidad sa konteksto ng etika at pamamahala, ay itinuturing bilang pananagutan, pagtanggap ng kasalanan, isang responsibilidad kung saan ang isang tao ay inaasahang magbibigay ng paliwanag sa mga taong nasasakupan. [1]Bilang isang mahalagang bahagi ng pamamahala, ito ay naging sentro ng mga talakayan kaugnay ng mga suliranin sa pampublikong sektor, di-pampublikong sektor (tulad ng mga nonprofit at pribadong korporasyon o corporate), at mga indibidwal na konteksto. Sa mga gampanin gaya ng pamumuno[2] ang pananagutan ay pagkilala at pagsasagawa ng responsibilidad sa mga aksyon, produkto, desisyon, at patakaran, kaugnay ang administrasyon, pamamahala, at pagpapatupad sa naayon o naangkop sa posisyon na ginagampanan o kinabibilangan ng isang taong may pananagutan. Kasama dito ang obligasyon na mag-ulat, magpaliwanag, at magkaroon ng pananagutan sa mga resultang bunga ng mga nabanggit na responsbilidad.
Sa pamamahala, ang kahulugan ng pananagutan ay hindi lamang basta mula sa simpleng "pagtawag sa pananagutan sa mga aksyon ng isang tao”. [3] [4] Ito ay madalas na inilalarawan bilang isang ugnayan ng pagbibigay ng paliwanag sa pagitan ng mga indibidwal, halimbawa, "Si A ay may pananagutan kay B kapag obligado si A na ipaalam kay B ang mga (nakaraang o darating) aksyon at desisyon ni A na ipaliwanag ang mga ito, upang patunayan ito o di kaya ay pagdusaan ang parusa sakaling may pagkakamali ito". Hindi maaaring umiral ang pananagutan nang walang tamang pamamahala ng mga rekord; sa madaling salita, kung walang pagtatala na nagsisilbing ebisensya, wala ring pananagutan. Isa pang mahalagang tandan na maaaring makatulong sa pananagutan ay ang maayos na pamamahala ng mga talaan.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Dykstra, Clarence A. (Pebrero 1938). "The Quest for Responsibility". American Political Science Review. 33 (1): 1–25. doi:10.2307/1949761. JSTOR 1949761.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Williams, Reyes(2006) Leadership accountability in a globalizing world. London: Palgraave Macmillan.
- ↑ Mulgan, Richard (2000). "'Accountability': An Ever-Expanding Concept?". Public Administration. 78 (3): 555–573. doi:10.1111/1467-9299.00218.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sinclair, Amanda (1995). "The Chameleon of Accountability: Forms and Discourses". Accounting, Organizations and Society. 20 (2/3): 219–237. doi:10.1016/0361-3682(93)E0003-Y.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ David, R. (2017). Contribution of records management to audit opinions and accountability in government. South African Journal of Information Management, 19(1), 1–14. https://doi.org/10.4102/sajim.v19i1.771
Ang lathalaing ito na tungkol sa Sosyolohiya, Etika at Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.