Pananampalatayang Bahá'í sa Pilipinas

Ang Pananampalatayang Bahá'í sa Pilipinas ay isang komunidad ng mga Pilipino na ninanais na ang kapwa nila Bahá'í ay tanawin ang mga malalaking relihiyon sa mundo bilang bahagi ng iisang progresibong sistema na kung saan ihinahayag ng Maykapal ang Kanyang saloobin sa sangkatauhan. Kinikilala nila ang Bahá'u'lláh, ang tagapagtatag ng pananampalatayang Bahá'í, bilang pinakabago sa hanay ng mga Banal na Sugo kasama sina Abraham, Moses, Buddha, Zoroaster, Kristo at Muhammad. Ito ay binubuo ng mga Pilipinong may iba't ibang etniko at relihiyosong karanasan. Una itong dumating sa bansa noong 1921 nang may isang Bahá'í ang unang bumisita sa Pilipinas sa parehong taon. Noong 1944, ang unang Bahá'í Panglungsod na Espirituwal na Pagtitipon sa bansa ay naitatag sa Solano, Nueva Vizcaya. Sa unang bahagi ng dekada '60, panahon ng mabilis na pag-unlad, ang komunidad ay lumago mula 200 noong 1960 hanggang 1000 noong 1962, at 2000 noong 1963. Noong 1964, ang Pambansang Espirituwal na Pagtitipon ng mga Bahá'í sa Pilipinas ay inihalal at pagdating ng 1980 mayroon nang 64 libong Bahá'í at 45 na panglungsod na kapulungan.



PananampalatayaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.