Panangga sa mukha
Ang panangga sa mukha o kareta (Ingles: face shield), isang kagamitan para sa pansariling proteksyon (PPE), ay naglalayong maprotektahan ang buong mukha (o bahagi nito) ng nasususuot nito mula sa mga panganib tulad ng mga lumilipad na bagay at mga nakakalat na bagay sa daan, mga talsik ng kemikal (sa mga laboratoryo o sa industriya), o mga potensyal na nakakahawang materyal (sa mga kapaligirang medikal at laboratoryo).
Industriya
baguhinSinadya ang panangga sa mukha upang ipagsanggalang ang bahagi o buong mukha ng nagsusuot nito mula sa panganib. Dapat gamitin ang panangga sa mukha kasama ang salamin sa mata, antipara at/o salaming pamproteksyon (goggles).[1]
Pagmamanapaktura
baguhinNoong panahon ng pandemya ng COVID-19, nakisangkot ang mga tao mula sa 86 bansa sa boluntaryong produksyon ng PPE upang pandagdag sa tradisyunal na kadena ng panustos - na nagambala ang karamihan.[2]
Pulis at militar
baguhinSa militar o pagpapatupad ng batas, maaring idisenyo ang panangga sa mukha para sa balistiko o di-balistikong proteksyon. Magbibigay ng di-balistikong proteksyon ang panangga mula sa pagpukol o pagputok ng panudla ng mga baril,[3] subalit kadalasan itong dinisenyo upang malabanan ang mabagal na kilos ng tama, tulad ng idinulot ng suntok o hinagis na bagay.[4]
Dinisenyo ang isang balistikong panangga sa mukha upang pigilan o palihisin ang pagsabog at mga piraso mula sa mga nagpapaandar na nakasuot ng damit kontra bomba.[5]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ ANSI Z87.1-2003, page 11 (sa Ingles)
- ↑ "DESIGN | MAKE | PROTECT". Open Source Medical Supplies (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-02-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ A. Hunsicker: Behind the Shield: Anti-Riot Operations Guide Universal Publishers, 2011, ISBN 978-1612330358, p. 166
- ↑ article: "Die Helm-Maskenkombination HMK" Naka-arkibo 2019-05-08 sa Wayback Machine. sa polizeipraxis.de (sa Aleman)
- ↑ Ashok Bhatnagar: Lightweight Ballistic Composites: Military and Law-Enforcement Applications, Woodhead Publishing, 2018, ISBN 978-0081004067, pp. 133, 222 (sa Ingles)