Panggagalugad sa kalawakan

Ang panggagalugad sa kalawakan, panggagalugad sa alangaang, panggagalugad sa sansinukob, o eksplorasyon ng uniberso ay isang kataga o pariralang naglalarawan sa pagtuklas o paghahanap sa "panlabas na puwang" na nasa labas ng daigdig. Maraming mga dahilan kung bakit ginagawa ang "eksplorasyon sa puwang na nasa labas ng mundo". Pinakamahalaga sa mga dahilang ito ang pananaliksik na pang-agham at ang pagnanais ng mga tao na matuto pa ng marami ukol sa kalawakan. Sa loob ng huling ilang mga daang taon, pinangarap na mga tao ang mapuntahan ang sansinukob. Subalit naging posible lamang ito noong ika-20 daang taon. Noong Oktubre 4, 1957, inilunsad ng dating Unyong Sobyet ang Sputnik 1, ang unang satelayt (buntabay) o "buwan" na nailunsad. Pagkaraan, inilunsad sa kalawakan si Laika, isang aso, ang unang nilalang na nakapasok at nakarating sa kalawakan.


Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.