Panggagalugad sa malalim na kalawakan

Ang panggagalugad sa malalim na kalawakan o deep space exploration ay isang sangay ng astronomiya, astronautika at teknolohiyang pangkalawakan na kasangkot sa paggalugad ng malalayong rehiyon ng kalawakan.[1] Gayunpaman, mayroong maliit na pagkakasunduan sa kahulugan ng mga "malayong" rehiyon. Sa ilang konteksto, ginagamit ito upang tukuyin ang kalawakang interstellar space. Tinukoy ng International Telecommunication Union ang "malalim na kalawakan" simula sa layo na 2 milyong km mula sa ibabaw ng Daigdig. Ang Deep Space Network ng NASA ay gumamit na ng iba't ibang pamantayan mula 16,000 hanggang 32,000 km mula sa Daigdig. Ang pisikal na panggagalugad ng kalawakan ay isinasagawa kapwa ng mga spaceflight ng tao (deep-space astronautics) at ng robotikong spacecraft.

70-metro na lapad ng antena ng radyo sa pasilidad ng Deep Space Network na Canberra sa Australia.

Mga sanggunianBaguhin

  1. "Space and its Exploration: How Space is Explored". NASA.gov. Tinago mula sa orihinal noong 2009-07-02. Nakuha noong 2009-07-01.

Mga panlabas na linkBaguhin