Ang isang pangil ay isang mahaba at matulis na ngipin.[1] Sa mamalya, isang binagong ngipin sa pang-itaas na panga ang pangil, na ginagamit sa pagkagat (o pagtuklaw), at pagpilas ng laman. Sa mga ahas, pampartikular na ngipin ang pangil na naiuugnay sa glandula ng lason.[2] Mayroon din pangil ang mga gagamba, na bahagi ng kanilang chelicerae.

Ang apat na pangil ng isang domestikadong pusa. (Ang pinakamalaking dalawang ngipin sa itaas at ibabang hilera ng ngipin.)

Karaniwang ang mga pangil sa mga karniboro at omniboro, subalit may ilang mga herbiboro, tulad ng mga paniking prutas (o fruit bat), ang mayroon nito. Pangkalahatang ginagamit ang pangil upang dakutin o mabilis na mapatay ang nasila, tulad ng nasa mga malalaking pusa. Ginagamit ng mga hayop na omniboro, tulad ng mga oso, ang kanilang pangil kapag nangangaso ng isda o ibang masisila, subalit kailangan din ang mga ito para sa pagkonsumo ng prutas. May ilang bakulaw ang mayroong pangil, na ginagamit nila para sa mga banta at labanan. Bagaman, ang medyo maikling canine sa tao ay hindi tinuturing na pangil.

Mga pangil sa relihiyon, mitolohiya, at alamat

baguhin

Karaniwang sinasalarawan ang ilang mga mitolohikal at maalamat na mga nilalang tulad ng mga dragon, gargola (o gargoyle) at yaksha na mayroong prominenteng pangil. Isang pantukoy na katangian ng bampira ang kanilang pangil.

Kinabibilangan ng pangil ang ikonograpikong representasyon ng ilang mga diyos ng Hindu, upang maging simbolo ng kakayahang mangaso at pumatay. Dalawa sa halimbawa dito ang mabagsik na mandidirmang diyosa na si Chamunda at diyos ng kamatayan na si Yama sa ilang mga ikonograpikong representasyon. Karaniwan din ang mga pangil sa mga tagapag-alagang pigura tulad ni Verupaksha sa sining na Budismo sa Tsina at Silangang Asya,[3] at gayon din si Rangda sa Hinduismong Balines.[4]

 
Isang naka-costume para sa Gabi ng Pangangaluluwa na may pangil ng bampira
 
Ang diyos ng kamatayan ng Hindu na si Yama na may mga pangil
 
Ang mandirigmang diyosang si Chamunda ng Hindu.
 
Ulo ng dragon sa isang replika na bapor na "Hugin"
 
Mga pangil ng ahas

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Fang - Definition of Fang by Merriam-Webster" (sa wikang Ingles).
  2. Vonk, Freek J.; Admiraal, Jeroen F.; Jackson, Kate; Reshef, Ram; de Bakker, Merijn A. G.; Vanderschoot, Kim; van den Berge, Iris; van Atten, Marit; Burgerhout, Erik (Hulyo 2008). "Evolutionary origin and development of snake fangs". Nature (sa wikang Ingles). 454 (7204): 630–633. Bibcode:2008Natur.454..630V. doi:10.1038/nature07178. ISSN 0028-0836. PMID 18668106. S2CID 4362616.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Asa Simon Mittman; Peter J. Dendle (2013). The Ashgate Research Companion to Monsters and the Monstrous (sa wikang Ingles). Ashgate. p. 229 with Figure 9.7. ISBN 978-1-4724-1801-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Rangda - Asian Art Museum" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Oktubre 2011. Nakuha noong 11 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 24 October 2011[Date mismatch] sa Wayback Machine.