Talatuntunang Aarne–Thompson–Uther

Ang Aarne–Thompson–Uther na Klasipikasyon o Index (ATU Index) ay isang katalogo ng mga uri ng kuwentong-bayan na ginagamit sa mga araling kuwentong-pambayan. Ang ATU Index ay produkto ng isang serye ng mga rebisyon at pagpapalawak ng isang pandaigdigang grupo ng mga iskolar: Orihinal na binubuo sa Aleman ng Finlandes na folkloristang si Antti Aarne (1910), ang index ay isinalin sa Ingles, binago, at pinalawak ng Amerikanang folkloristang si Stith Thompson (1928, 1961), at kalaunan ay binago at pinalawak pa ng Alemang folkloristang si Hans-Jörg Uther (2004). Ang ATU Index, kasama ang Thompson's Klasipikasyong Motif ng Panitikang-pambayan (1932) (kung saan ito ay ginagamit nang magkasabay) ay isang mahalagang kasangkapan para sa mga folklorista.[1]

Kahulugan ng uri ng kuwento

baguhin

Sa The Folktale, tinukoy ni Thompson ang isang uri ng kuwento bilang mga sumusunod:

Ang isang uri ay isang tradisyonal na kuwento na may independiyenteng pag-iral. Maaaring isalaysay ito bilang isang kompletong salaysay at hindi nakaayon sa kahulugan nito sa anumang iba pang kuwento. Maaaring mangyari nga na isinalaysay ito sa ibang kuwento, ngunit ang katotohanang ito ay maaaring sabihin nang nag-iisa ay nagpapatunay ng kalayaan nito. Maaaring binubuo lamang ito ng isang paksa o ng marami.[2]

Mga nauna

baguhin

Ang Austriakong konsul na si Johann Georg von Hahn ay gumawa ng paunang pagsusuri ng ilang apatnapu't apat na kuwentong "formulae" bilang panimula sa kaniyang aklat ng mga kuwentong-bayan ng Griyego at Albanes, na inilathala noong 1864.[3][4]

Isinalin ni Reberendo Sabine Baring-Gould, noong 1866, ang talaan ni von Hahn at pinalawak ito sa limampu't dalawang uri ng kuwento, na tinawag niyang "Story Radicals".[5][6] Pinalawak ng folkloristang si Joseph Jacobs ang talaan sa pitumpung uri ng kuwento at inilathala ito bilang Appendix C sa Charlotte Sophia Burne at Handbook of Folk-Lore ni Laurence Gomme.[7]

Bago ang edisyon ng unang klasipikasyon ng kuwentong-pambayan ni Antti Aarne, isinalin ni Astrid Lunding ang sistema ng pag-uuri ng kuwentong-bayan ni Svend Grundtvig. Binubuo ang katalogo na ito ng 134 na uri, karamihan ay nakabatay sa mga pinagsama-samang kwentong-bayang Danes kung ihahambing sa mga pandaigdigang koleksiyon magagamit noong panahong iyon ng iba pang mga folklorista, gaya ng mula kanila Magkapatid na Grimm at Emmanuel Cosquin.[8]

Kasaysayan

baguhin

Si Antti Aarne ay isang estudyante ni Julius Krohn at ng kaniyang anak na si Kaarle Krohn. Binuo ni Aarne ang historik-heograpikong pamamaraan ng mapaghambing na folkroriko, at binuo ang inisyal na bersiyon ng naging tipong Aarne–Thompson klaspipikasyong pangkuwento para sa pag-uuri ng mga kwentong-pambayan, na unang inilathala noong 1910 bilang Verzeichnis der Märchetypen.[9] Ang sistema ay batay sa pagtukoy ng mga paksa at ang paulit-ulit na mga idea sa pagsasalaysay na makikita bilang mga bloke ng tradisyonal na salaysay; Europeo ang saklaw nito.[10]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Dundes, Alan (1997). "The Motif-Index and the Tale Type Index: A Critique". Journal of Folklore Research. 34 (3): 195–202. JSTOR 3814885.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Thompson (1977: 415).
  3. Hahn, Johann Georg von. Griechische Und Albanesische Märchen. Erster Band. Leipzig: W. Englemann, 1864. pp. 43-61.
  4. Jacobs, Joseph. European Folk and Fairy Tales. New York, London: G. P. Putnam's sons. 1916. pp. 215-216.
  5. Baring-Gould, Sabine. "Appendix". In: Henderson, William. Notes On the Folk-lore of the Northern Counties of England And the Borders. London: Longmans, Green. 1866. pp. 300-311.
  6. Jacobs, Joseph. European Folk and Fairy Tales. New York, London: G. P. Putnam's sons. 1916. p. 216.
  7. Jacobs, Joseph. "Appendix C". In: Burne, Charlotte Sophia; Gomme, George Laurence. The handbook of folklore. London: Pub. for the Folk-lore Society by Sidgwich & Jackson. 1914. pp. 344-355.
  8. Lunding, Astrid. "The System of Tales in the Folklore Collection of Copenhagen". In: Folklore Fellows Communications (FFC) nº 2. 1910.
  9. Antti Aarne, Verzeichnis der Märchentypen, FF Communications, 3 (Helsinki, 1910).
  10. Uther, Hans-Jörg. 2004. The Types of International Folktales: A Classification and Bibliography. Based on the system of Antti Aarne and Stith Thompson. FF Communications no. 284–286. Helsinki: Suomalainen Tiedeakatemia. Three volumes. I: 7.