Pangulo ng Croatia

(Idinirekta mula sa Pangulo ng Kroasya)

Ang Pangulo ng Republika ang pinuno ng estado ng Croatia. Ang Croatia ay isang demokratikong parlamentaryo kung saan ang pangunahing gampanin ng Pangulo ay ang pamumuno sa hukbong sandatahan at diplomasya ng Croatia kasama ang Pamahalaan, bilang karagdagan sa mga tungkulin ng tanggapang ito. Limitado ang pagkapangulo sa dalawang mandato sa bawat tao.

Pangulo ng
Republika ng Croatia
Watawat ng Pangulo ng Croatia
Incumbent
Zoran Milanović

mula 19 Pebrero 2020
Haba ng terminoLimang taon, maipagpapatuloy ng isang ulit
NagpasimulaFranjo Tudman
Nabuo22 Disyembre 1990
Websaytwww.predsjednik.hr

Ang tanggapan ng Pangulo ng Croatia ay nasa Presidential Palace (Kroata: Predsjednicki dvori) sa Zagreb, na matatagpuan sa Pantovcak.

Kasaysayan

baguhin

Ang Sosyalistang Republika ng Croatia sa loob ng SFR Yugoslavia ay pinamumunuan ng grupo ng partidong komunista na bumuo ng kolektibong Panguluhan kung saan ang Pangulo ng Pangulohan ang pinuno nito. Ang unang demokratikong halalan noong 1990 ay hindi direktang naghalal ng kasapi ng Panguluhan. Sa halip naatasan ang parlamento na punuan ang mga posisyong ito katulad nang ginagawa nila noong panahon ng sosyalista. Nanalo ang Croatian Democratic Union sa halalan at ang pinuno nitong si Franjo Tudman ang namuno sa Panguluhan noong 30 Mayo 1990. Noong Hulyo 25, ipinasa ng parlamento ang ilang susog sa saligang-batas, kasama na ang susog LXXI na gumawa sa posisyong Pangulo at Pangalawang Pangulo.[1] Ang Saligang-batas noong Kapaskuhan na naipasa noong 22 Disyembre 1990 ang nagtakda sa pamahalaan bilang sistemang semi-pangulohan at nagpatawag ng halalan para sa pangulo. Dahil sa digmaan sa Croatia, ito ay naantala hanggang noong tag-init ng 1992.

Tingnan rin

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin