Pangwakas na pagkawasak
Sa inhinyeriyang mekanikal, ang pangwakas na pagkawasak (sa Ingles: ultimate failure) ay tumutukoy sa pagkasira ng isang materyal. Sa pangkalahatan ay mayroong dalawang uri ng pagkawasak: ang pagkabali at pagbaluktot. Nagkakaroon ng pagkabali ang isang materyal kung ang panloob o panlabas na biyak nito ay nagpapahaba sa sukat sa anumang dimensyon ng materyal. Nagdudulot ito sa isa o mas marami pang pagkaputol ng materyal. Nangyayari ang pagbaluktot kapag ang mabibigat na mga bagay ay nakapagpapaliit sa materyal sa halip na lamatan ito. Hindi ito katanggap-tanggap sapagkat halos lahat ng mga kasangkapan na idinisenyo na maging diretso ay hindi magiging kapaki-pakinabang kapag kumurba. Kung magpapatuloy ang pagbaluktot, lilikha ito ng tensyon sa labas na bahagi at pagpipi naman sa loob, na siyang maaring makasira sa materyal.
Sa inhinyeriya ay mayroong maraming uri ng pagkabali na nakabatay sa gamit ng materyal. Sa maraming mga kagamitan ng makina, ang anumang pagbabago sa bahagi nito na dulot ng pagkasira ng hugis ay nangangahulugang kailangan na itong palitan. Kahit na ang pagbabagong hugis o pagkarupok nito ay hindi teknikal na kahulugan ng pangwakas na pagkawasak, pumalya na ang pirasong ito. Sa maraming teknikal na gamit ay hindi na hinahayaang umabot pa sa pangwakas na pagkawasak o pagkaputol ang mga bahagi, sa halip ay itinatanggal na ang mga ito sa mga unang senyales ng pagkapudpod para sa kaligtasan.
May dalawang magkaibang uri ng pagbaluktot: malutong at makunat. Bawat isa mga uring ito ay nagaganap batay sa paglambot ng materyal. Nangyayari ang malutong na pagkabali kapag mayroong maliit hanggang sa walang plastik na pagbabagong-anyo ang bagay bago ang pagbali. Ang halimbawa nito ay ang pagbabanat sa palayok o baras, hindi ito hahaba ngunit ito ay mapuputol agad sa dalawa o marami pang piraso. Habang nilalapatan ng pwersa ang materyal na makunat, sa halip na maputol agad ay hahaba muna ito. Magsisimula ang paghaba nito hanggang sa maabot nito ang punto ng yield (inhinyeriya), at saka ito magsisimula na numipis sa gitna. Kapag nagkaroon ng pagnipis sa gitnang bahagi, mas dadali na ang paghaba nito at liliit ang radyos. Kapag nagsimula na ito ay mapupunta na ang materyal sa plastik na pagbabagong-anyo. Sa oras na maabot ng materyal ang kanyang pangwakas na kakayanan, ito ay hahaba na nang mas madali hanggang sa maabot nito ang pangwakas na pagkawasak at masira.