Panitikang Kanadyano
Ang pagsusuri ng panitikang Kanadyano o panitikang Kanadyense (Ingles: Canadian literature) ay nakatuon sa mga temang nasyonalistiko o pagkamakabansa at rehiyonal. Ipinakikipagtalo ng mga manunuring laban sa ganitong pagsusuri o kritisismong pangtema o tematiko ng panitikang Kanadyano, katulad ni Frank Davey, na ang pagtuon sa tema ay nakapagpapabawas sa pagpapahalaga, paghanga, at pagpuri ng kasaligutgutan o kasalimuutan (kompleksidad) ng literaturang nagawa sa isang bansa, at nakalilikha ng kakintalan o impresyong nakaharap o nakabagay ito sa sosyolohikal na aspeto.
Bagaman ang panitikang Kanadyano, katulad ng panitikan ng bawat estadong bansa o nasyon, ay naimpluwensiyahan ng sarili nitong konteksto o diwang sosyo-pampolitika, nakagawa ang mga manunulat na Kanadyano ng samu't saring mga anyo. Malawak ang mga impluho sa mga Kanadyanong manunulat, kapwa sa heograpiko at pangkasaysayan.
Orihinal na Britaniko at Pranses ang nangingibabaw na kalinangan o kultura ng Canada, pati na aborihinal. Pagkalipas ng "Announcement of Implementation of Policy of Multiculturalism within Bilingual Framework" o Pagpapahayag ng Pagpapatupad ng Patakaran ng Multikulturalismo sa loob ng Balangkas na Bilingguwal ni Punong Ministrong Trudeau noong 1971, dahan-dahang naging tahanan ang Canada para sa mas sari-saring populasyon ng mga mambabasa at mga manunulat. Malakas na naimpluwensiyahan ng imigrasyong pandaigdig ang panitikan ng bansa, partikular na sa loob ng kamakailang mga dekada.
Sa Ingles, palansak o kolektibong tinatawag o dinadaglat na CanLit o Canlit ang panitikang Kanadyano, mula sa katawagan dito sa Ingles na Canadian literature.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Canada ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.