Panitikang Aprikano-Amerikano

Ang panitikang Aprikano-Amerikano ay ang katawan ng panitikan na nagawa sa Estados Unidos ng mga manunulat na may ninunong Aprikano. Ang henero o anyo nito ay matatahak mula sa mga gawa ng mga manunulat noong ika-18 daantaon katulad nina Phillis Wheatley at Olaudah Equiano, na binubuo ng mga pagsasalaysay ng tungkol sa mga alipin at mga katayuan ng pagkaalipin at sa Renasimyento ng Harlem, at nagpapatuloy sa kasalukuyan sa pamamagitan ng mga may-akdang tulad nina Toni Morrison, Maya Angelou at Walter Mosley, na mga manunulat na naihanay kabilang sa pangunahing mga manunulat sa Estados Unidos. Kabilang sa mga tema at mga paksang ginalugad sa panitikang Aprikano-Amerikano ang gampanin ng mga Aprikano-Amerikano sa loob ng mas malaking lipunang Amerikano, kalinangang Aprikano-Amerikano, rasismo, pang-aalipin, at pagkakapantay-pantay sa lipunan. Napadako rin ang sulating Aprikano-Amerikano sa pagpapaloob ng sarili nito sa mga anyong binibigkas, katulad ng mga tugtuging pang-espiritu, mga sermon, mga musikang pang-mabuting balita, blues, at rap.[1]

Dahil sa pagbabago ng katayuan ng mga Aprikanong Amerikano sa lipunang Amerikano sa paglipas ng mga daantaon, nagbago rin ang tuon ng panitikang Aprikano-Amerikano. Bago maganap ang Digmaang Sibil sa Amerika, pangunahing nakatuon ang panitikang Aprikano-Amerikano sa mga paksa ng pang-aalipin at pagkaalipin, na inihaharap ng kabahaging anyo o henero ng mga pagsasalaysay ng mga alipin. Sa pagliko ng ika-20 daantaon, ang mga aklat ng mga may-akdang sina W. E. B. Du Bois at Booker T. Washington ay nagtatalo kung haharapin o papapayapain ang mga ugaling makalahi sa Estados Unidos. Noong panahon ng kilusan ng Karapatang Sibil sa Amerika, ang mga may-akdang tulad nina Richard Wright at Gwendolyn Brooks ay nagsipagsulat ng tungkol sa segrasyong panglahi at pagkamakabansa ng mga itim. Sa kasalukuyan, tinanggap na ang panitikang Aprikano-Amerikano bilang isang mahalagang bahagi ng panitikang Amerikano, na may mga aklat na katulad ng Roots: The Saga of an American Family ni Alex Haley, The Color Purple ni Alice Walker, at ang Beloved ni Toni Morrison na nagkamit ng pagiging napakamabili at kalagayang nagwagi ng gantimpala.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "To Shatter Innocence: Teaching African American Poetry" ni Jerry W. Ward, Jr, mula sa Teaching African American Literature ni M. Graham, Routledge, 1998, pahina 146.