Panitikang Manes

(Idinirekta mula sa Panitikang Manx)

Ang panitikang Manes ay ang panitikan na nasa wikang Manes. Ang pinakamaagang mapepetsahang teksto sa Manes (na nakapreserba sa mga manuskrito mula sa ika-18 daantaon) ay magmula sa ika-16 daantaon na isang matulaing kasaysayan ng Pulo ng Man magmula sa pagpapakilala ng Kristiyanismo. Isang malaking impluwensiya ang Kristiyanismo sa panitikang Manes. Pangkaraniwan ang panitikang relihiyoso, subalit ang nailigtas na mga sulating sekulary ay mas bihira.

Naisalin sa Manes ang Aklat ng Pangkaraniwang Panalangin at ang Bibliya noong ika-17 at ika-18 mga daantaon. Nalimbag ang unang Bibliyang Manes sa pagitan ng 1771 at 1775, at naging pinagmulan at pamantayan ng makabagong ortograpiya ng Manes. Isa itong pagtutulungan ng pagsasalinwika na isinagawwa ng karamihan sa mga klerikong Manes sa ilalim ng pamamatnugot ni Philip Moore. May iba pang mga edisyong sumunod noong 1777 at noong 1819. May umunlad na isang tradisyon ng mga carval o mga "karbal", mga awiting panrelihiyon o mga karol (mga awiting pangpananapat tuwing Pasko), na maaaring nag-ugat sa kapanahunan bago ang Repormasyon. Bago sumapit ang ika-18 daantaon, ang mga may-akda ng mga karbal ay pangkaraniwang mga kleriko, ngunit may bagong mga salita noong ika-19 daantaon na inilagay sa mga himig na tanyag upang gamitin sa mga simbahan at sa mga kapilya.

Ang unang nalimbag na akda sa Manes ay ang Coyrle Sodjeh, na naipetsa mula sa taong 1707. Isa itong salinwika ng isang katekismo ng Aklat ng Panalangin na mula sa Ingles ni Obispo Thomas Wilson. Samantala, ang Pargys Caillit ay ang pinaigsing bersyon ng Nawalang Paraiso ni John Milton na nilathala noong 1796 ni Thomas Christian, isang bikaryo ng Marown mula 1780 hanggang 1799.

Si Edward Faragher, (Neddy Beg Hom Ruy, 1831–1908) ng Cregneash ay ang itinuturing na huling mahalagang katutubong manunulat ng Manes. Magmula sa edad na 26, nagsulat siya ng panulaan, kadalasang hinggil sa mga paksang pampananampalataya, na ang ilan sa mga ito ay nalimbag sa Mona's Herald at sa Cork Eagle. Ilan sa kanyang mga kuwento ang umaalala sa kanyang buhay bilang isang mangingisda, at noong 1901 nalathala ang Skeealyn Aesop, mga salinwika ng piling mga pabula ni Aesop.[1]

Dahil sa muling pagpapasigla at pagpapalaganap ng Manes, lumitaw ang bagong panitikan, kabilang ang Contoyryssyn Ealish ayns Cheer ny Yindyssyn na isang salinwika sa Manes ng Alice in Wonderland ni Brian Stowell, na nalathala noong 1990. Noong Marso 2006 nalathala ang unang nobelang may buong haba na nasa Manes[2] na pinamagatang Dunveryssyn yn Tooder-Folley (The Vampire Murders), na akda din ni Brian Stowell.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Faragher, Edward (1973). "Paunawa ng patnugot (Basil Megaw, direktor ng Museong Manes)". Skeealyn ‘sy Ghailck. Yn Çheshaght Ghailckagh. {{cite book}}: Unknown parameter |firstdate= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ang artikulong Isle of Man Today sa Dunveryssyn yn Tooder-Folley[[Kategorya:Mga artikulong naglalaman ng Manes]]". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-08-26. Nakuha noong 2010-12-05. {{cite web}}: URL–wikilink conflict (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2006-08-26 sa Wayback Machine.
  • Skeealyn 'sy Ghailck, Neddy Beg Hom Ruy, 1991

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.