Personal na buhay

(Idinirekta mula sa Pansariling buhay)

Ang Personal na buhay o Pansariling buhay ay ang kurso o katakdaan ng buhay ng isang indibidwal na tao, natatangi na kapag tinatanaw bilang isang suma ng mga personal o pansariling pagpili na nag-aambag sa katauhang pansarili o personal na identidad.[1] Isa itong pangkaraniwang nosyon sa modernong pag-iral o pamumuhay - bagaman mas marami sa mas masasaganang mga bahagi ng mundo katulad ng Kanlurang Europa at Hilagang Amerika. Sa mga pook na ito, may mga industriyang pangserbisyo na dinisenyo upang matulungan ang mga tao na mapainam ang kanilang mga personal na buhay sa pamamagitan ng sikoterapiya (pagpapayo o konsultasyon) o pagtuturo hinggil sa buhay (life coaching, pagsasanay na pambuhay).[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Baker, Maureen (2007). Choices and Constraints in Family Life. Oxford University Press. ISBN 9780195421057.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Williams, Patrick; Davis, Deborah C. (2007). Therapist as life coach: an introduction for counselors and other helping professionals. W. W. Norton & Company. ISBN 9780393705225.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)