Pansariling tagapagsanay

Ang isang pansariling tagapagsanay (sa Ingles: personal trainer) ay isang propesyunal na tagasanay sa kaangkupan ng katawan ng kanilang kliyente. Binibigyan ng tagasanay ang kanilang klieyente ng mga pagtuturo at tagubiling pang-ehersisyo. Pinapalakas ng mga pansariling tagapasanay ang kliyente sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga layunin at pagbibigay ng katugunan at pananagutan sa mga kliyente. Sinusukat din ng mga tagapagsanay ang lakas at hina ng kanilang kliyente kasama ang pagtaya ng kanilang kaangkupan o fitness. Maari din silang mabigay ng ibang aspeto ng kagalingan maliban sa ehersisyo, kabilang ang pangkalahatang kalusugan at gabay sa nutrisyon. Kinikilala ng mga pasadong pansariling tagapagsanay ang kanilang sariling kadalubhasaan. Kapag hinihinala ng isang tagapagsanay na ang kliyente ay may kondisyong medikal na maaaring pigilan ang kliente sa ligtas na paglahok sa isang programang pang-ehersiyo, kailangang iharap ang klieyente sa mas angkop na propesyunal pang-kalusugan para sa pagpapalinaw o clearance.[1]

Isang pansariling tagapagsanay na pinapakita ang gamit ng bolang Bosu.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Earle, Roger (2004). NSCA's Essentials of Personal Training. NSCA Certification Commission. pp. 162, 617. ISBN 0-7360-0015-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)