Pansit Habhab
Ang Pansit Habhab o Pansit Lucban ay ginisang miki na nilahokan ng karne at atay ng baboy, hipon, at gulay. Ito ay isang lokal na pagkain sa Quezon na sikat lalo na tuwing Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Ang kakaiba sa pansit habhab ay ang paraan ng pagkain nito. Hindi gumagamit ng anumang kubyertos sa pagkain ng habhab; sa halip ay inihahain ito sa isang maliit na piraso ng dahon ng saging at tuwirang isinusubo ang pansit mula sa dahon. Karaniwang nilalagyan ng suka ang pansit habhab para mas sumarap ang lasa nito.
Paraan ng Pagluluto
baguhinMga Sangkap
baguhin- 1 sibuyas na katamtaman ang laki, hiniwa nang pahaba
- 100 gms pork tenderloin
- 200 gms pork liver
- hipon
- 1 piraso sayote (chayote), binalataan na at tinadtad na sa maliliit na piraso
- 5 clovas ng bawang, binalataan at dinikdik
- 2 kumpol ng pechay, hiwain sa gustong laki
- 1 kilong pansit miki
- 1 tasang tubig
- patis
- cooking oil
- dahon ng saging (para sa lalagyan)
Paraan
baguhin- Lagyan ng konting mantika ang paglulutuang kaldero at doon igisa ang bawang at sibuyas hanggang sa maluto na ang bawang.
- Idagdag ang karne ng baboy. Haluin hanggang maluto na kaunti ang baboy.
- Ihalo ang atay at hipon. Muling paglahukin ang mga kasangkapan
- Lagyan ng konting patis o ng dami na babagay sa panlasa.
- Kapag naluto na ang atay, ihalo na ang natitirang mga kasangkapan. Ihuli ang sayote.
- Idagdag ang pechay kapag naluto na ang sayote.
- Takpan ang kaldero at hayaang maluto ang ang mga sangkap o hanggang sa maluto na ang pechay.
- Idagdag na ang miki at gumamit ng kahoy na syansi para mahalo ang miki sa mga sangkap. Pwede nang ihain ang pansit sa mga dahon ng saging.
- Ang dami ng resipeng ito ay para sa 15 hanggang 20 katao.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.