Papa Lino

Ikalawang papa ng Simbahang Katolika

Si Papa Lino o Papa Linus (namatay noong c. 76 CE) ay ayon sa tradisyon ng Simbahang Katoliko Romano ang ikalawang obispo ng Roma na kahalili ni Pedro. Ayon naman sa ilang maagang mga sanggunian, si Papa Clemente I ang ikalawang obispo ng Roma at kahalili ni Pedro. Ayon naman sa tradisyong Romano Katoliko, si Clemente I ang ikaapat na obispo ng Roma.

Papa San Lino
Obispo ng Roma
Nagsimula ang pagka-Papac. 67
Nagtapos ang pagka-Papac. 76
HinalinhanPedro
KahaliliAnacleto
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanLinus
KapanganakanVolterra, Tuscany, Italya, Imperyong Romano
Yumaoc. 76
Roma, Italya, Imperyong Romano

Mga pananaw sa pagkakasunod sunod ng mga obispo ng Roma

baguhin

Ang pinakamaagang sanggunian ay si Irenaeus na sumulat noong 180 CE na "Ang mapalad na mga apostol na nagtatag at nagtayo ng Simbahan ay pinakaloob sa mga kamay ni Lino ang opisina ng episkopata".[1] Ito ay pinapakahulugan ng ilan na sinasabi ni Irenaeus na si Lino ang unang Obispo ng Roma.[2] Ayon kay Jeronimo, si Lino "ang una pagkatapos ni Pedro na nangangasiwa sa simbahang Romano. [3] Ayon kay Eusebio, si Lino "ang una na tumanggap ng episkopata ng simbahan ng Roma pagkatapos ng pagmamartir kina Pablo at Pedro".[4] John Chrysostom says "This Linus, some say, was second Bishop of the Church of Rome after Peter",[5] Ayon sa Liberian Catalogue,[6] si Pedro ang unang obispo ng Roma at si Lino ang kanyang kahalili sa parehong opisina. Ang Liber Pontificalis[7] ay nagtatanghal rin ng isang talaan na gumagawa kay Lino na ikawala sa linya ng mga obispo ng Roma pagkatapos ni Pedro ngunit isinaad rin nito na inordinahan ni Pedro ang dalawang mga obispo na sina Lino at Papa Cleto para sa paglilingkod na pang-pari ng pamayanan na inilalaan ang kanyang sarili sa panalangin at pangangaral at kay Clemente na kanyang ipinagkatiwala ang Simbahan bilang buo na humihirang sa kanya bilang kahalili nito. Ayon kay Tertulliano, si Papa Clemente I ang kahalili ni Pedro. [8] Ayon sa isa pang akda ni Jeronimo, si Clemente "ang ikaapat na obispo ng Roma pagkatapos ni Pedro" ngunit kanyang idinagdag na "karamihan ng mga Latin ay naniniwalang si Clemente ang ikalawa pagkatapos ng apostol".[9]

Ayon sa Apostolic Constitutions,[10] si Lino ang unang obispo ng Roma at inordinahan ni Apostol Pablo at hinalinhan ni Clemente na inordinahan naman ni Pedro. Si Papa Cleto ang kahalili ni Lino na ibinigay ni Irenaeus. Ayon kay propesor Richard McBrien, "dapat maalala na salungat sa banal na paniniwala ng Katoliko--ang monoarkikal na istrukturang episkopal ng simbahan (na kilala bilang episkopatang monarkikal kung saan ang bawat diyoses ay pinamumunuan ng isang obispo) ay hindi pa umiiral sa Roma sa panahong ito. [11] Ayon kay Padre Francis A. Sullivan, "ang makukuhang ebidensiya ay nagpapakita na ang simbahan sa Roma ay pinamunuan ng isang kolehiyo ng mga presbitero sa halip na isang obispo sa loob ng hindi bababa sa ilang mga dekada ng ikalawang siglo CE.[12] Ayon din kay Fr. Sullivan, "Ang Bagong Tipan o ang sinaunang kasaysayang Kristiyano ay hindi nag-aalok ng suporta sa nosyon ng paghaliling apostoliko bilang 'isang hindi naputol na linya ng ordinasyong episkopal sa pamamagitan ng mga apostol sa mga siglo tungo sa mga obispo ngayon'" at "Ang Bagong Tipan ay hindi nag-aalok ng suporta para sa teoriya ng paghaliling apostoliko na nagpapalagay na ang mga apostol ay humirang o nag-ordina ng isang obispo para sa bawat mga simbahang kanilang itinatag".[13]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Against Heresies3:3.3
  2. J. N. D. Kelly, Oxford Dictionary of Popes, 2005
  3. "Post Petrum primus Ecclesiam Romanam tenuit Linus" -Chronicon, 14g (p. 267)
  4. Church History 3.2
  5. Homily X on 2 Timothy
  6. The Chronography of 354 AD Part 13: Bishops of Rome
  7. Liber Pontificalis 2
  8. De praescriptione haereticorum, 32
  9. Illustrious Men, 15
  10. Apostolic Constitutions 7.4
  11. McBrien, Richard P. Lives of the Popes: The Pontiffs from St. Peter to Benedict XVI. Harper, San Francisco, 2005 updated ed., p. 34
  12. Sullivan F.A. From Apostles to Bishops: the development of the episcopacy in the early church. Newman Press, Mahwah (NJ), 2001, p. 80,221-222)
  13. Sullivan F.A. From Apostles to Bishops: The Development of the Episcopacy in the Early Church, p. 14

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo at Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.