Fares

(Idinirekta mula sa Pares)
Tingnan ang Pérez para sa Kastilang apelyido, at ang Peretz para sa pangalang Hudyo.

Si Fares ay isang ninuno ni David. Nangangahulugan ang pangalan ito ng "pumupuslit".[2] Ayon sa Aklat ng Henesis (Henesis 38:29), si Fares ang anak na lalaki ni Tamar at ni Juda. Kakambal siya ni Zaraj[2] o Zerah.[3]. Dahil kay Fares, napasama si Tamar sa kalahian ni Hesus.[2] Binabaybay dina ng kanyang pangalan bilang Pharez, Pיrez; sa Hebreo: פֶּרֶץ / פָּרֶץ, may ibig sabihing "bumiyak", modernong transliterasyon: Péreẓ o Páreẓ, Tiberianong transliterasyon: Péreṣ o Pāreṣ. Batay sa teksto, tinawag siyang Perez (o Peres) dahil siya ang unang ipinanganak sa mga kambal, kaya't nabiyak ang sinapupunan [4]. Ayon sa mga dalubhasa ng Bibliya, isang eponimong etiyolohikong mito ang salaysay ng pagsilang na ito, na hinggil sa etnolohikal na orihen o pinagmulan ng mga bahagi ng tribo ni Juda.[5][6]. Itinala sa Aklat ni Rut si Perez bilang bahagi ng pangninunong henealohiya ni Haring David [7], at lumaon o nagresultang binanggit ito sa Aklat ni Mateo noong itinukoy ang henealohiya ni Hesus.[8] Binabanggit naman sa kuwento ng ukol sa "ang sulat sa dingding" (nasa Aklat ni Daniel) ang isang salitang Arameo o Aramaiko na minsang isinusulat bilang Phares.

Fares
AnakEsrom[1]
Magulang

Mga sanggunian

baguhin
  1. "4", Ruth (sa wikang Biblical Hebrew), Wikidata Q80038 {{citation}}: More than one of |section= at |chapter= specified (tulong)
  2. 2.0 2.1 2.2 Abriol, Jose C. (2000). "Fares, at Zaraj". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 65.
  3. Genesis 38:29
  4. Genesis 38:29
  5. J. A. Emerton, Judah and Tamar
  6. Cheyne at Black, Encyclopedia Biblica.
  7. Ruth 4:18–22
  8. Matthew 1:3

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.