Pariralang pampagkain

Ang mga pariralang pampagkain ay tumutukoy sa mga pariralang may kaugnayan sa mga pagkain. Mayroon itong orihen o pinagmulang mga sirkumstansiya o eksena sa buhay ng tao mula noong unang panahon at kasaysayan.

Sa wikang Ingles

baguhin

Sa wikang Ingles, mayroong mga pambihirang mga pariralang nagmula sa mga literal o totoong mga pangyayari sa buhay ng mga tao. Ilan sa mga halimbawa nito ang may kaugnayan sa mga salitang balikat, hamon, tosino, nilaga, at katas, na ginamit sa mga pariralang Ingles na give a cold shoulder, ham, bring home the bacon, at stewing one's own juices.[1]

Nagmula ang give a cold shoulder o "magbigay ng isang malamig na balikat" mula sa kaugalian noong mga Gitnang Panahon sa Kanlurang bahagi ng mundo kapag lumalabis na sa oras ang pananatili ng isang panauhin sa loob ng tahanan ng nagpasinaya o nag-imbita. Literal o tunay na binibigyan ang ganitong mga panauhin ng isang malamig na balikat ng karne ng baka.[1]

Kaugnay ng hamon, naging katumbas ang ham ng pagiging "labis na pag-arte" sapagkat dating gumagamit ang mga nagtatanghal na may mabababang antas o uri sa lipunang mga minstrel ng mga taba o mantika ng hamon upang tanggalin ang kanilang mga make-up o ipinapahid na palamuti sa mukha pagkatapos ng isang pagtatanghal. Dahil hindi nila kayang bumili ng mamahaling mga malalamig na mga kremang pang-alis ng maskarang ipinahid sa mukha.[1]

Hinggil sa bring home the bacon o "iuwi [mo] sa [iyong] tahanan ang tosino", nagmula ito sa Britanya. Dating nakapag-uuwi talaga ng tosino ang mga mag-asawang nanalo sa patimpalak na isinagawa sa loob ng isang simbahan.[1]

Nagbuhat naman ang stewing in one's own juices o "nilalaga ang sariling mga katas" mula sa pagpapahiwatig o eupemismo sa isang parusang ginagawa noong ika-13 daang taon: ang pagsunog ng buhay sa isang nagkasalang tao habang nakagapos sa itinulos na haligi.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 The Christophers (2004). "Curious Origins". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa pahina para sa "Enero 28".