Pasteurisasyon

(Idinirekta mula sa Pasteurisation)

Ang pasteurisasyon ay isa proseso ng pagpapainit ng pagkain para sa hangaring mapatay ang mga mapaminsalang organismo katulad ng mga bakterya, virus, protozoa, amag, at lebadura. Ipinangalan ang proseso mula sa imbentor nito, si Louis Pasteur, isang Pranses na siyentipiko. Natapos ang unang pagsubok sa pasteurisasyon nina Pasteur at Claude Bernard noong Abril 20, 1862.

Hindi tulad ng sterilisasyon, hindi hinahangad ng pasteurisasyon na patayin lahat ng mga mikro-organismo sa pagkain. Sa halip, nilalayon ng pasteurisasyon na makamit ang isang "logaritmong pagbabawas" sa mga bilang ng mga tumutubong organismo, binabawasan ang kanilang bilang upang hindi sila maaaring magdulot ng sakit (pinapalagay na ang pasteurisadong produkto ay naka-prigider at kinain bago ang petsa ng pagkabulok). Hindi karaniwan sa komersyo ang sterilisasyon ng pagkain, dahil labis na naapektuhan ang lasa at kalidad ng produkto.

BiyolohiyaPagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.