Si Patricio Mariano ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 17 Marso 1877. Bata pa lamang ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagpipinta at musika subalit habang lumalaki ay nahilig sa pagsusulat.

Patricio Mariano
Kapanganakan17 Marso 1877
  • (Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan28 Enero 1935
MamamayanPilipinas
NagtaposPamantasang Ateneo de Manila
Colegio de San Juan de Letran
Trabaholingguwista, makatà, mamamahayag, manunulat

Bilang manunulat ang kanyang obra maestra ay ang dulang Anak ng Dagat. Kinilala siya hindi lamang sa pagsusulat ng mga dula. Isa rin siyang batikang makata, mamamahayag, nobelista at tagapagsalin mula sa wikang Kastila.

Ang kanyang dulang Silanganan ay nagtamo ng gantimpalang ipinagkaloob ng samahan ng mga Manunulat sa Tagalog. Ang iba pa niyang mga akda ay Ang Sampagita, Dalawang Pag-ibig, Buhay Mandudula, Luha't Dugo, Buhay Dapo, Huwag Lang Lugi sa Puhunan at iba pa.

Nakasulat siya ng humigit-kumulang sa 60 dula ayon sa mga tala. Gumawa rin siya ng pangalan sa larangan ng sarsuela.

Ang Anak Dalit, at Tulisan ay dalawa lamang sa mga tula ni Patricio Mariano bilang inakata.

Binawian ng buhay si Patricio Mariano sa edad na 58.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.