Si Patrick O'Donovan (ipinangangak noong 1918) ay isang dating pangunahing Irlandes na tagapamahayag at korespondiyente para sa Observer. Isa rin siyang manunulat.[1]

Patrick O'Donovan
Kapanganakan1918
  • (Kalakhang Londres, London, Inglatera)
MamamayanUnited Kingdom
NagtaposUniversity of Oxford
Trabahomamamahayag

Talambuhay

baguhin

Isinilang si O'Donovan sa Londres, Inglatera sa mga magulang na Irlandes. Mula 1937 hanggang 1939, nag-aral siya sa Simbahan ni Kristo (Christ Church) sa Oxford. Pagkaraan nito, sumali siya sa Mga Guwardiyang Irlandes noong magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bilang sundalo, gumanap siya bilang isang opisyal ng tangkeng pandigma.[1]

Bilang peryodista, sumali si O'Donovan sa Observer ng Londres noong 1946. Bilang korespondiyente, naitalaga siya sa Israel, Gresya, Dulong Silangan, at Estados Unidos. Sa paglaon, naging nakatatandang korespondiyente siya para sa pahayagang ito.[1]

Bilang manunulat, umakda siya ng mga sulating hinggil sa buhay ng mga Amerikano. Nagsulat siya ng tungkol sa paksang ito para sa pansariling mga sulatin at para rin sa iba pang mga peryodiko.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Patrick O'Donovan; Marcus Cunliffe; Alain Clément; Massimo Salvadori; Sigmund Skard; Peter von Zahn; Max Warren; Herbert von Borch; Raymond Aron (1965). "Patrick O'Donovan". The United States, Life World Library. Time-Life Books, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), paglalarawan sa may-akda ng Kabanata 1: The Practical Idealists ng aklat na ito, pahina 10.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.