Paul Forman
Si Paul Forman (ipinanganak noong 1937) ay isang Amerikanong historyador (manunulat ng kasaysayan) ng agham at isang kurador (tagapangasiwa) ng Dibisyon ng Medisina at Agham sa Pambansang Museo ng Kasaysayang Amerikano. Ang pangunahing pinagtutuunan ng pananaliksik ni Forman ay ang kasaysayan ng pisika, kung saan nakatulong siya sa pagpapasimula ng paglalapat at paggamit ng kasaysayang kultural sa mga kaunlarang pang-agham.
Paul Forman | |
---|---|
Kapanganakan | 1937[1] |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika[2] |
Trabaho | historyador,[2] curator,[3] pisiko[4] |
Natatanging nakikilala si Forman dahil sa dalawang kontrobersiyal na mga tesis na pangkasaysayan. Ang una (na madalas tawagin bilang "ang tesis na Forman") ay isinasaalang-alang ang impluwensiya ng kulturang Aleman sa maagang mga interpretasyon ng kuwantum mekaniks; ikinatwiran ni Forman na ang kultura ng Alemang Weimar, sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng diin sa acausality o akawsalidad, indibidwalidad, at biswalisabilidad (Anschaulichkeit), ay nakapag-ambag sa pagtanggap at interpretasyon ng kuwantum mekaniks.[5]
Ang pangalawang tesis ni Forman ay sumasaalang-alang sa impluwensiya ng pagbibigay ng pondo ng militar hinggil sa katangian at patutunguhan ng pananaliksik na pang-agham; ikinatwiran niya na habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang Digmaang Malamig, ang malakihang sukat ng pagpopondo na may kaugnayan sa depensa o pagtatanggol ay nakapag-udyok ng isang pagbabago sa pisika magmula sa basiko o payak papunta sa inilalapat o ginagamit na pananaliksik, na nakapagpasigla ng maraming mga pananaliksik na pangkasaysayan hinggil sa epekto ng pondong militar para sa agham.[6] Ang kamakailang gawain ni Forman ay nakatuon sa karakterisasyon o pagbibigay ng katangian sa moderno at post-modernong (pagkaraan ng modernong) transisyon o pagbabago sa agham, lipunan, at kalinangan."[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ https://www.deutsche-biographie.de/pnd1013810457.html; hinango: 21 Pebrero 2021.
- ↑ 2.0 2.1 https://viaf.org/viaf/71545153/; Virtual International Authority File; hinango: 21 Pebrero 2021.
- ↑ https://portal.dnb.de/opac.htm?method=simpleSearch&cqlMode=true&query=nid%3D1013810457; hinango: 21 Pebrero 2021.
- ↑ http://catalogue.bnf.fr/ark:/12148/cb134899237; hinango: 21 Pebrero 2021.
- ↑ Forman, Paul. "Weimar culture, causality, and quantum theory: adaptation by German physicists and mathematicians to a hostile environment," Historical Studies in the Physical Sciences, Bol. 3, pp 1-115. 1971. Pinalawig ni Forman ang kaniyang orihinal na argumento sa: Forman, Paul. "Kausalität, Anschaullichkeit, and Individualität, or How Cultural Values Prescribed the Character and Lessons Ascribed to Quantum Mechanics," in Society and Knowledge, mga patnugot: Nico Stehr at Volker Meja. Transaction Books, 1984: pp 333-347.
- ↑ Forman, Paul. "Behind quantum electronics: National security as basis for physical research in the United States, 1940-1960," Historical Studies in the Physical and Biological Sciences, Bol. 18, Bahagi 1, 1987, pp 149-229.
- ↑ See "The Primacy of Science in Modernity, of Technology in Postmodernity, and of Ideology in the History of Technology," "History and Technology", Bol. 23, No. 1/2, pp. 1-152, March/June 2007 National Museum of American History: Paul Forman Naka-arkibo 2011-06-30 sa Wayback Machine., napuntahan noong Setyembre 25, 2006