Si Paul William Walker IV[1] (12 Setyembre 1973 – Nobyemmbre 30, 2013) ay isang Amerikanong aktor. Sumikat siya noong 1999 nang gampanan niya ang papel sa sikat na pelikulang Varsity Blues, subalit higit na nakilala sa pagganap niya bilang Brian O'Conner sa pelikulang The Fast and the Furious. Ang iba pa niyang pelikua ay kinabibilangan ng Eight Below, Into the Blue, She's All That, at Takers. Lumabas din siya sa isang serye sa National Geographic Channel na may pamagat na Expedition Great White.

Paul Walker
Si Walker noong 2009 sa premiere ng Fast & Furious sa Londres.
Kapanganakan
Paul William Walker IV

12 Setyembre 1973(1973-09-12)
Kamatayan30 Nobyembre 2013(2013-11-30) (edad 40)
Santa Clarita, California, Estados Unidos
DahilanTraffic collision
TrabahoAktor
Aktibong taon1985–2013
Anak1
Websitepaulwalker.com

Namatay si Walker sa isang aksidente noong 30 30 Nobyembre 2013, nang naaksidente ang kotseng kaniyang sinasakyan pagkatapos tumungo sa isang palabas ng mga kotse sa kanyang pangyayaring pagkakawanggawa na Reach Out Worldwide upang lumikom ng pondo para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda. Pagkatapos nilang lumisan sa pagkakawanggawa gamit ang 2005 Porsche Carrera GT, ang nagmamanehong kasama ni Walker ay nawalan ng kontrol at bumangga sa isang poste at puno sa Valencia, Santa Clarita, California, at nagliyab ang sasakyan kung saan agad na namatay si Walker at ang kanyang kasama.

Mga sanggunian

baguhin
  1. WGN News at Nine. = Chicago. 2013-11-30. 32 minuto sa. WGN-TV/WGN America.{{cite episode}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: extra punctuation (link)

Mga kawing panlabas

baguhin
 
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.