Si Pavel Petrovich Bazhov (Ruso: Па́вел Петро́вич Бажо́в ; Enero 27, 1879 – Disyembre 3, 1950) ay isang Rusong manunulat at publisista.

Kilala si Bazhov sa kaniyang koleksyon ng mga kuwentong bibit na Ang Kahong Malakita, batay sa alamat ng Ural at inilathala sa Unyong Sobyet noong 1939. Noong 1944, ang pagsasalin ng koleksiyon sa Ingles ay inilathala sa Lungsod ng Bagong York at Londres. Nang maglaon ay nilikha ni Sergei Prokofiev ang ballet na The Tale of the Stone Flower batay sa isa sa mga kuwento. Si Bazhov din ang may-akda ng ilang mga libro sa Rebolusyong Ruso at Digmaang Sibil. Si Yegor Gaidar, na nagsilbi bilang Punong Ministro ng Rusya, ay kaniyang apo.

Maagang buhay

baguhin

Ipinanganak si Bazhov sa Sysert, isang lungsod sa mga Ural. Ang kaniyang ama na si Pyotr Bazhov ay ang maestro ng talyer ng Plantang Bakal ng Sysert. Ang kaniyang pamilya, tulad ng karamihan sa mga bayan ng mga pabrika, ay nagpupumilit na mabuhay at halos walang kapangyarihang pampulitika sa Czaristang Rusya. Mula sa mga simulang ito, natagpuan ni Bazhov ang isang tawag sa pampublikong serbisyo. Sa pagitan ng 1889 at 1893 nag-aral siya sa isang relihiyosong paaralan sa Yekaterinburg. Nakibahagi siya sa maraming protesta, ang pinakasikat na nagresulta sa pagtanggap niya ng tala ng hindi katapatan sa pulitika mula sa kanyang reaksiyonaryong guro sa kaniyang sertipiko. Ang lungsod ay gumawa ng malaking impresyon sa kanya, at siya ay babalik upang manirahan doon pagkalipas ng maraming taon. Noong 1899, nagtapos si Bazhov ng pangatlo sa kanyang klase mula sa Teolohikong Seminaryo ng Perm, kung saan nag-aral dati sina Alexander Stepanovich Popov at DN Mamin. Pinangarap niyang pumasok sa Seminaryong Unibersidad ng Tomsk, ngunit tinanggihan.

Sa halip, pansamantala siyang nagtrabaho bilang guro ng wikang Ruso, una sa Yekaterinburg, pagkatapos ay sa Kamyshlov. Mula 1907 hanggang 1914, nagtrabaho si Bazhov sa Pangkababaihang Kolehiyong Diyosesano na nagtuturo ng wikang Ruso. Sa panahong ito nakilala niya at pinakasalan si Valentina Ivanitsky, isang nagtapos sa Paaralang Diyosesano. Siya ang kaniyang musa para sa marami sa kaniyang mga tula tungkol sa pag-ibig at kaligayahan.

Pamana

baguhin
 
Pang-alaalang baryang nagtatampok kay Bazhov.

Noong 1968, inilabas ng Sverdlovsk Film Studio ang isang dokupiksiyong pelikula na Mga Kuwento ng Kabundukang Ural (Ruso: Сказы уральских гор, tr. Skazy uralskikh gor) tungkol sa mga obra ni Bazhov.[1] Ang pelikula, sa direksiyon ni Olgerd Vorontsov, ay nilikha para sa ika-90 anibersaryo mula nang ipanganak ang manunulat. Pinagsama nito ang impormasyon tungkol sa paglilihi at paglikha ng mga kuwento ni Bazhov na may mga eksenang kumilos mula sa kaniyang mga kuwento.[2] Mayroon din itong impormasyon tungkol sa ilang sikat na karakter tulad ng Apoy na Bibit. Ang pelikula ay isinalaysay ni Yevgeny Vesnik, ngunit naglalaman din ng mga natatanging pag-record ng boses ni Pavel Bazhov.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Tales of the Ural Mountains". Russian archive of documentary films and newsreels. Nakuha noong 8 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Vorontsov, Olgerd (director) (1968). Сказы уральских гор [Tales of the Ural Mountains] (mp4) (Motion picture) (sa wikang Ruso). Sverdlovsk Film Studio: Russian Archive of Documentary Films and Newsreels. Nakuha noong 8 Disyembre 2015.{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Сказы уральских гор" [Tales of the Ural Mountains] (sa wikang Ruso). Kino-Teatr.ru. Nakuha noong 8 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)