Ang Kahong Malakita

Ang Kahong Malakita o Malakitang Kabaong (Ruso: Малахитовая шкатулка, tr. Malakhitovaya Shkatulka, IPA [mɐləˈxʲitəvɐjə ʂkɐˈtulkə]; Ingles: The Malachite Box) ay isang aklat ng kuwentong bibit at kuwentong-bayan (kilala rin bilang skaz) ng rehiyong Ural ng Rusya na pinagsama ni Pavel Bazhov at inilathala mula 1936 hanggang 1945. Nakasulat ito sa kontemporaneong wika at naghahalo ng mga elemento ng araw-araw na buhay sa mga kamangha-manghang tauhan. Ginawaran ito ng gantimpalang Stalin noong 1942. Nakabatay ang mga kuwento ni Bazhov sa tradisyong pasalita ng mga minero at manggagalugad ng ginto.

Pahina ng pamagat ng ika-1 edisyon ng Ang Kahong Malakita (bilang iisang tomo), 1939.

Inilathala ang unang edisyon ng Ang Kahong Malakita noong ika-28 ng Enero, 1939. Binuo ito ng 14 kuwento at isang pambungad, na naglaman ng kaunting impormasyon tungkol sa buhay, industriya, at kalinangan ng mga Urales at kung saan sinubukan ng may-akda na isama sa bawat edisyon ng koleksyon. Naglaman ang mga sumunod na bersyon ng higit sa 40 kuwento. Hindi pantay-pantay ang kasikatan ng mga kuwento sa kasalukuyan. Ang mga pinakasikat na kuwento ay isinulat mula 1936 hanggang 1939: "Ang Kerida ng Tansong Bundok" at ang karugtong nito, "Ang Malakitang Kabaong", ang "Ang Bulaklak na Bato" at ang karugtong nito "Ang Bihasang Manggagawa", "Kukong Pilak", "Mga Tainga ng Pusa", "Balon ni Sinyushka", at "Ang mga Suwelas-bota ng Manedyer". Kasama sa mga kuwento sa kalaunan, sikat ang "Isang Marupok na Siit" (1940), "Ang Engkanto ng Apoy" (1940), "Salamin ni Tayutka" (1941), "Ivanko Krylatko" (1943), at "Iyang Kisap ng Buhay" (1943). Naging kilalang-kilala ang mga tauhan ng mga kuwentong-bayan ng Bulubundukin ng Ural tulad ng Kerida ng Tansong Bundok pagkatapos ng paglabas nila sa Ang Kahong Malakita ni Pavel Bazhov.

Sanligan

baguhin

Noong dekada 1930, lubhang hinikayat ng Partidong Komunista ng Unyong Sobyet ang interes sa nakaraan ng bansa at ng mga tao. Nagbigay-pansin ang Partido sa paglilinang ng makasaysayang agham. Pinasimulan ni Maxim Gorky ang paglalathala ng mga aklat tulad ng Ang Kasaysayan ng mga Pabrikante at Halaman (Ruso: История фабрик и заводов, tr. Istorija fabrik i zavodov). Sinuportahan ang pagkukusa nila ng Partidong Komunista. Sunud-sunod na inilathala ang mga aklat ng kasaysayan at iilang pamagat ng makasaysayang kathang-isip.[1] Ang panlahat na interes sa kasaysayan ng bansa ay naging interes sa katutubong sining and kuwentong-bayan. Sa kalaunan, nagsulat si Nikolay Andreyev, isang sikat na dalubhasa sa kuwentong-bayan, tungkol sa panahong iyon kung kailan "hindi pa ganoong karami ang nailalathalang [mga koleksyon ng alamat] kahit na sa 'Ginintuang Panahon' ng polkloristika sa dekada '60". Nagsimulang mangolekta ang mga mamamahayag, mag-aaral, at miyembro ng Komsomol ng mga alamat.[2] Sa Unang Kongreso ng mga Sobyet na Manunulat, ipinaalala ni Maxim Gorky na "nagsisimula ang kasining ng mga salita sa mga alamat" at naghikayat sa kanila na ikolekta at pag-aralan ito.[1] Gagamitin sana ito bilang halimbawa ng modelo ng panitikan.[3]

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 Batin 1983, p. 1.
  2. Blazhes 2003, p. 6.
  3. Lipovetsky 2014, p. 213.

Mga sanggunian

baguhin
  • Batin, Mikhail (1983). "Istorija sozdanija skaza "Malahitovaja shkatulka"" История создания сказа "Малахитовая шкатулка" [Kasaysayan ng paglalathala ng Ang Kahong Malakita] (sa wikang Ruso). The official website of the Polevskoy Town District. Nakuha noong 30 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  • Blazhes, Valentin (2003). "K istorii sozdanija bazhovskih skazov" К истории создания бажовских сказов [Ukol sa kasaysayan ng paglikha ng mga kuwento ni Bazhov] (PDF). Izvestiya of the Ural State University (sa wikang Ruso). The Ural State University. 28: 5–11.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Lipovetsky, Mark (2014). "The Uncanny in Bazhov's Tales" [Ang Mahiwaga sa mga Kuwento ni Bazhov]. Quaestio Rossica (sa wikang Ruso). The University of Colorado Boulder. 2 (2): 212–230. doi:10.15826/qr.2014.2.051. ISSN 2311-911X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)